Pinay sa Saudi, namangha sa kakaibang trato sa kanya ng kaibigan ng amo niya
- Ibinahagi ng isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang karanasan nang panandaliang mawala ang amo niya
- Habang wala ang amo ay ang asawa ng kaibigan nito ang nakasama ng Pinay OFW sa bahay
- Nagulat ang Pinay dahil hinahayaan lang siya nito kainin at inumin ang mga gusto niya
- Mas natuwa pa ang Pinay dahil tinutulungan siya nito sa paglilinis ng bahay at nakumpara niya pa ito sa sariling amo niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia ang nagbahagi ng kanyang kwento sa social media.
Nalaman ng KAMI na isang araw ay nagising na lang ang Pinay na wala ang amo niya at ang nandoon ay ang asawa ng kaibigan ng amo niya.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Pinay na ang kaibigan ng amo niya hinayaan lang siya kumuha ng inumin at mga pagkain na gusto niya.
“Tinuro nya sa akin ang cabinet sa kusina kung saan nakalagay ang mga nescafe, lipton tea at powdered milk.. Tapos kung gusto ko raw gumawa ng pancake may flour naman daw at itlog,” kwento niya.
Matapos daw niya kumain ng almusal, sinabihan siya ng kaibigan ng amo niya na pupunta sa kabilang bahay upang maglinis. Nagulat ang Pinay dahil tinulungan siya nito sa paglilinis ng bahay.
“Bitbit nya ang vaccum cleaner at mga basahan akin naman ang mop at liquid soap.. Nilinis namin ang bahay ng kapatid nya.. Ako ang taga vaccum at mop sya naman ang taga punas ng mga cabinet sa mga kwarto at sa kusina,” sabi ng OFW.
“Sya rin ang kumiskis ng mga patak ng semento at pintura sa sahig at sa lababo,” dagdag niya pa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Natuwa ang Pinay sa kabaitan ng kaibigan ng amo niya dahil tinutulungan siya nito sa mga gawain.
“SANA ganito ang madam ko sa bahay hindi yung PURO AKO na lang palagi,” kwento niya.
Dahil sa kabaitang ipinakita sa kanya, nagkusang loob na siya maglinis ng bahay nila.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh