Babaeng model, walang kaalam-alam na buntis siya at nasurpresa nang biglang manganak
- Tila hindi inaasahan ng isang 23 anyos na modelo ang kanyang biglaang pagdadalang-tao
- Ayon kay Erin Langmaid, wala siyang sintomas na naramdaman na siya ay 9 buwan nang buntis
- Nagulat na lang ang modelo nang magbanyo siya at biglang may batang lumabas sa kanya
- Paliwanag ng mga eksperto, ang nangyari sa modelo ay tinatawag na cryptic pregnancy
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang kakaibang pagbubuntis at panganganak ang naranasan ng isang Australian model na si Erin Langmaid.
Nalaman ng KAMI na walang kamalay-malay si Erin na 9 buwan na siyang buntis.
Ayon sa ulat ng Rachfeed, nalaman na lang ng 23 anyos na modelo na buntis siya nang manganak siya sa loob ng banyo niya.
Kwento ni Erin sa kanyang panayam sa 7 News, wala siyang naramdaman na sintomas na nagdadalang-tao na siya at gumagamit pa umano ito ng contraceptive injections.
“I wasn’t showing obviously because I fit into everything,” sabi ni Erin.
Ayon sa kanyang boyfriend na si Daniel Carty, may narinig siyang malakas na sigaw kaya agad siyang pumunta sa banyo.
“I heard a scream and I ran in there and then I saw the little one and I thought, ‘Hang on, there’s two,'” giit ni Daniel.
Dagdag pa ni Daniel, nag-panic siya nang makita niyang hindi na humihinga ang bagong silang na anak nilang babae.
Matapos madala sa ospital ay doon na nga kinumpirma ng mga doctor na ang nangyari kay Erin ay tinatawag na “cryptic pregnancy.”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon sa health website na Heathline, ang cryptic pregnancy o tinatawag din na stealth pregnancy ay ang pagbubuntis kung saan hindi ito makikita sa mga kumbensional na pamamaraan ng testing.
Sabi sa ibang pag-aaral, ang kundisyon na ito ay bihirang mangyari at tila 1 sa 475 na kababaihan ang maaaring makaranas ng cryptic pregnancy.
Maaaring basahin pa rito ang tungkol sa cryptic pregnancy.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh