Babae, nagpanggap na wala sa sarili matapos maaktuhang nandudukot ng bata

Babae, nagpanggap na wala sa sarili matapos maaktuhang nandudukot ng bata

-Matapos maaresto ang isang babae dahil sa pagtatangka nitong mandukot ng bata ay nagpanggap naman umano itong wala sa sarili

-Matino naman daw ito nang makausap noong una ngunit laking gulat ng mga tao sa barangay nang bigla na lamang daw itong maghubad

-Hinala ng mga awtoridad ay modus lamang ito dahil ikalawa na ang ganitong insidente sa lugar ng pinangyarihan

-Hindi naman napigilan ng mga residente doon na sugurin at saktan ang suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Matapos maaresto ang isang babae sa tangka nitong pandurukot sa isang 3-anyos na bata sa Caloocan, nagpanggap naman ito na wala sa sarili.

Ayon sa panayam sa tiyuhin ng biktima, nakita nito ang babae na hila-hila ang kanyang pamangkin.

Agad naman daw niya itong pinuntahan upang saklolohan ang bata.

Habang ang suspek naman ay dali-daling tumakbo palayo ngunit hindi ito nakawala nang habulin ng mga residente roon.

Nang dalhin naman ito sa barangay ay doon na ito nagpanggap na wala sa sarili.

Laking gulat pa ng mga tao roon nang bigla na lamang itong maghubad.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, hinala ng kapitan ng barangay ay modus lamang ito dahil ikalawa na raw ito sa lugar at nagpanggap din na wala sa sarili ang naunang suspek.

Hindi naman makausap ng maayos ng media ang babaeng suspek.

Nang ilabas naman ito sa barangay para dalhin sa Caloocan PNP ay sinugod at sinubukan pa itong saktan ng ilang residente.

Posible itong makasuhan ng kasong kidnapping.

Muli naman nagpaalala ang kapitan ng barangay na si Jose Mercado ng Barangay 31 sa mga magulang ng mga bata na mas maging alisto upang maiwasan ang ganitong insidente.

"Minsan ang magulang 'di nila iniintindi, akala nila ganun lang ang bata. Pinababayaan nila 'yung bata. Kaya kami saway kami nang saway."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone