Larawan ng bata at alagang aso nito na magkayakap sa kalye, viral

Larawan ng bata at alagang aso nito na magkayakap sa kalye, viral

- Umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens ang larawan ng isang bata at ng alagang aso nito

- Sa isang viral post na ibinahagi ng isang netizen, makikita ang mga ito habang magkayakap na natutulog sa isang gilid ng kalsada

- Delikado at malamig ang panahon ngunit tila hindi ininda ng dalawa ang kanilang sitwasyon

- Marami naman ang nagpahayag ng pagnanais na matulungan ang bata at maging ang alaga nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang mga larawan ng isang batang lalaki at ng alagang aso nito na spotted na magkayakap habang natutulog sa isang gilid ng kalye.

Maraming netizens ang naantig ang puso sa sitwasyon ng dalawa matapos i-post ng netizen na si Jem Villomo ang larawan ng mga ito sa Facebook.

Delikado at malamig ang panahon ngunit tila hindi ininda ng dalawa ang kalagayan dahil magkapiling ang mga ito.

Marami ang nagpahayag ng pagnanais na matulungan ang bata at maging ang alaga nitong aso.

Ayon naman kay Villomo, nais niyang matulungan ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kalagayan ng mga ito.

Hindi man daw niya nagawang mag-abot ng tulong noong nakita niya ang mga ito ay nagbabakasali naman ito na makaabot sa may mabubuting puso ang sitwasyon ng mga ito.

"Saan to?? Willing to help."

"saan po loction nito need po malaman may gusto po tumulong."

"We don't deserve dogs. They are so loyal and innocent and doesn't care if you're rich or not."

"ilagay nyo location. Hindi sila safe dyan may nangunguha ng bata dapat sana kahit sa brgy na lang patulugin yan sila para safe ang bata."

"all through out kasama nya aso nya."

"Aso nalang ang meron siya nakakaawa."

"Niyayakap din sya ng aso .. love u both."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel