Regine Velasquez, emosyonal na nag-sorry sa anak nina Ogie at Michelle Van Eimeren

Regine Velasquez, emosyonal na nag-sorry sa anak nina Ogie at Michelle Van Eimeren

- Emosyonal na humingi ng tawad si Regine Velasquez sa anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren

- Ito ay matapos niyang ibahagi kung paano ang naging simula ng pag-iibigan nila ni Ogie

- Hindi niya umano matanggap noong una ni Regine laloo na at naisip niyang masasaktan niya si Michelle at ang mga anak nito

- Inamin naman ni Leila na nagkaroon siya ng sama ng loob noong siya ay bata pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang emosyonal at nakakatouch na episode ang ibinahagi ni Regine VelsquezAlcasid sa kanyang YouTube channel. Kasama niya ang kanyang stepdaughter na si Leila Alcasid. Si Leila ay anak ng kanyang asawang si Ogie Alcasid sa dati nitong asawang si Michelle Van Eimeren.

Maganda ang naging samahan nina Regine at Leila. Gayunpaman, hindi din daw ito naging madali. Gayunpaman, puring-puri ni Leila si Regine. Makikita ang kanilang pagiging malapit at komportable sa isa't-isa matapos ang ilang taong paninirahan ni Leila sa poder nina Regine at Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inamin ni Regine na hindi niya matanggap noong una ang naging setup nila ni Ogie. Naging dahilan umano ng malimit na pagtatalo nina Regine at Ogie ang kanilang sitwasyon. Gayunpaman, hindi hinayaan ni Ogie na magkahiwalay silang dalawa.

Nang makapag-usap at magpasyang tuluyan nang maghihiwalay sina Ogie at Michelle, nagkausap diumano sila ni Regine. Hiniling niya sa singer na hindi mawawalan ng ama ang kanyang anak.

Humingi din ng tawad si Regine habang umiiyak dahil alam niyang nasaktan niya si Leila dahil sa pag-iibigan nila ni Ogie. Kung papipiliin daw siya, pipiliin niyang si Ogie uli ang iibigin ngunit ayaw niya daw maulit na maging dahilan upang masaktan sina Michelle at ang mga anak nito.

Puring-puri din ni Regine si Michelle dahil sobra daw itong mabait.

Marami ang humahanga sa magandang samahan nina Regine, Ogie, Michelle pati na ang asawa nito ngayon. Sa katunayan ay ninang ng anak nina Regine at Ogie si Michelle.

Sa naunang ulat, inilabas ni Regine ang kanyang pagkadismaya sa ilang mga tagahanga ni Sarah Geronimo.

Ikinasal si Regine kay Ogie Alcasid noong December 2010. Isinilang ni Regine ang kanilang anak na si Nate noong November 2011. Dalawa naman ang anak ni Ogie sa dating asawang si Michelle.

POPULAR: Read more about Regine Velasquez here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel