Babala ng abogado: Magulang na namamahiya ng guro, maaring kasuhan

Babala ng abogado: Magulang na namamahiya ng guro, maaring kasuhan

- Nagbabala ang isang abogado ukol sa maaring kalagyan ng magulang na namamahiya at nanunugod ng mga guro

- Ang iba raw kasi ay tila "overreacting" lamang sa mga guro at sa disiplinang nagawa nito sa estudyante

- Ang magulang na maninindak at mamahiya ng guro ay maaring makasuhan alinsunod sa Article 51 ng Revised Penal Code

- Paalala naman sa mga guro, maghinay-hinay din sa pagdidisiplina sa mga estudyante upang maiwasan ang pagrereklamo ng mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binigyang linaw ng isang abogado na maaring managot sa batas ang magulang na mamamahiya at maninindak ng guro.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay Atty. Claire Castro, maaring kasuhan ng direct assault ang magulang na nanugod, namahiya at nanindak ng guro.

Ito raw ay alinsunod sa Article 51 ng Revised Penal Code of the Philippines.

Nadadalas na raw kasi ang mga nababalitang pamamahiya umano ng mga magulang sa mga guro dahil sa pagdidisiplinang ginawa nito sa kanilang anak.

Mainam na malaman ng mga magulang na maari rin silang kasuhan ng guro kahit pa ang pananakot o pagbabanta ay naganap sa labas ng paaralan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prision correcional o pagkakakulong na 6 buwan hanggang 6 taon ang kaparusahang naghihintay sa sinumang mahahatulan sa salang direct assault.

Nilinaw din ng abogado na isa ang mga guro sa tinatawag na persons in authority kaya naman nararapat lamang na disiplinahin din nila ang kanilang mga estudyante sa tamang pamamaraan.

Subalit, nagpaalala rin ang abogado na maghinay-hinay pa rin ang mga guro sa pagtutuwid ng mali ng kanilang mga mag-aaral.

Iwasan ang pananakit na pisikal at verbal sa mga bata upang maiwasan din ang pagrereklamo ng mga magulang.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica