Taxi driver na nasa ospital ang misis, ginantimpalaan sa pagsasauli ng pera

Taxi driver na nasa ospital ang misis, ginantimpalaan sa pagsasauli ng pera

- Kahit nasa ospital ang misis, di nagdalawang isip ang taxi driver na isauli ang kanyang napulot na wallet

- May laman itong pera na walong libong piso at dahil dito , ginawaran siya ni Raffy Tulfo ng Gawad Katapatan

- Nalaman pa ni Tulfo na nasa ospital ang misis ng taxi driver kaya naman nag-alok na rin ito ng tulong

- Agad na nasuklian ang katapatan ng taxi driver dahil natulungan din siya sa pagpapagamot ng kanyang misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ni Raffy Tulfo ang katapatan ng taxi driver na si Roderick Gonzaga ng Celec Transport.

Nagsauli ito ng wallet na may halagang ₱8,000 dahilan upang mabigyan siya ng Gawad Katapatan ng programang Wanted sa Radyo.

Nang tanungin ni Idol Raffy kung nasaan ang misis ni Roderick, doon niya nalamang nasa ospital pala ito.

Dahil dito, nag-alok ng tulong si Tulfo lalo pa ng malamang kidney disease ang dahilan ng pagkakalagak sa ospital ng misis ng taxi driver.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nalaman ng KAMI na ilang araw din itong hindi nakakapasada dahil siya rin mismo ang nagbabantay sa misis na labis niyang mahal.

Aminado siyang gipit noong panahon na napulot niya ang wallet ngunit di siya nangahas na angkinin ang perang di niya pinaghirapan.

Kaya naman ginantimpalaan ni Tulfo ang kabutihang pinakita ng driver na maging mabuting ehemplo sa lahat.

Binigyan siya ni Tulfo ng ₱25,000 at sasagutin pa nito ang lahat ng bayarin sa ospital ng misis ni Roderick.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Roderick:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel