OFW, ibinahagi ang pinakamasakit na parte ng pagtatrabaho sa abroad

OFW, ibinahagi ang pinakamasakit na parte ng pagtatrabaho sa abroad

- Isang overseas Filipino worker (OFW) ang nagbahagi ng kanyang mga pinagdadaanang hirap sa pagtatrabaho sa abroad

- Giit ng OFW, pinakamasakit na parte ng pagiging OFW ay ang pagpapaalam sa pamilya sa tuwing aalis na sila ng Pilipinas

- Kahit na mahirap at masakit mawalay sa pamilya, nagsasakripisyo ang mga OFW upang itaguyod ang mga mahal nila sa buhay

- Samantala, maraming mga netizens naman ang naka-relate sa hirap na pinagdadaanan ng mga OFWs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang “pinakamasakit” umano na pinagdadaanan ng mga OFW sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Nalaman ng KAMI na para kay Alfrido Rubin Jr, ang pinakamasakit para sa kanya bilang isang OFW ay ang pagpapaalam sa kanyang pamilya sa tuwing siya ay aalis na muli ng Pilipinas.

Ibinahagi ni Alfrido sa YouTube ang video kung saan makikita ang kanyang emosyonal na pagpapaalam sa pamilya bago umalis papuntang airport.

Eto ‘yung pinakamasakit na part, sa buong buhay natin, ‘yung kailangan mo ng magpaalam dahil aalis ka na,” aniya.

Masaya nga dahil natupad ang pangarap natin na magtrabaho abroad, masakit pa rin isipin dahil malalayo tayo sa mga mahal natin sa buhay,” dagdag pa nito.

Makikita sa video ang pamilya ni Alfrido na labis ang pag-iyak dahil mapapalayo na naman siya muli sa kanila.

Ang sakit isipin na kailangan mo talagang iwan ang mga mahal mo sa buhay para magtrabaho abroad,” sabi nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, na-touch naman ang ilang mga netizens sa video ni Alfrido. Narito nga ang kanilang mga komento sa YouTube video:

“Daddy alfred aga mo aq pinaiyak”
“issshhh nakakaiyak”
“Very inspiring story..”
“ayaw ko na nagpapahatid sa family ko, it makes it more harder to leave. salute to OFWs to sacrifice for their families to give them a good life.”
“ganyan ang buhay ng ofw we need to sacrifice the true happiness with our family kapalit ng magandang kinabukasan. God bless”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel