Nakakakilabot na video sa kasagsagan ng 6.9 na lindol sa Davao del Sur, viral

Nakakakilabot na video sa kasagsagan ng 6.9 na lindol sa Davao del Sur, viral

- Malakas na inugoy ng magnitude 6.9 na lindol ang isang swimming pool sa Davao del Sur na nakuhanan pa ng video ng isang netizen

- Nakakakilabot at nakakapanghina ang malalaking alon na nabuo mula rito at malalakas na paghampas ng tubig ang nahuli-cam

- Linggo ng hapon nang yanigin ng lindol ang Davao del Sur at ilan pang lugar

- Ayon sa huling update ng PHIVOLCS, nakapagtala pa ng 179 aftershocks matapos nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Tila duyang inugoy-ugoy ang isang swimming pool sa hotel sa Barangay Dadiangas Heights, General Santos City, na nakuhanan pa ng video ng isang netizen.

Ang eksenang ito, kuha sa kasagsagan ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Davao del Sur, Linggo ng hapon.

Sa video na ngayon ay viral na, makikita ang malalaking alon na nabuo mula sa swimming pool dahil sa pag-uga ng lupa.

Nakakakilabot din ang malalakas na hampas ng tubig mula rito.

Narito ang video mula sa ulat ng ABS-CBN News.

Ayon sa ulat ng PHIVOLCS, ang pagyanig ay naitala 6 kilometers hilagang kanluran ng Padada town sa Davao del Sur at may lalim na 30 kilometers.

Sa huling update ng PHIVOLCS, nakapagtala na ng 179 aftershocks matapos nito.

Sa social media, mabilis na kumalat ang mga larawan ng ilang lugar na apektado ng lindol.

Dumagsa naman ang panalangin ng mga Pinoy netizens para sa mga kababayan natin sa Mindanao.

Samantala, napag-alaman naman na nasa kanyang tahanan sa Davao si Pangulong Duterte nang lumindol kasama ang anak na si Kitty Duterte.

Una nang naiulat ng na ligtas ang presidente mula sa malakas na pagyanig ayon sa statement na inilabas ng Palasyo at PSG.

“President Duterte was in his house in Davao City with his daughter Kitty when the earthquake struck,” ayon sa statement.

"Ok lang wala naman damage [sa] house pero pa check pa rin [ang] structural integrity. PRRD ok lang natulog uli after the quake," sabi ni Presidential Security Group (PSG) Commander Brigadier General Jose Niembra.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone