Ngiting tagumpay: Manny Pacquiao, PolSci graduate na ng University of Makati

Ngiting tagumpay: Manny Pacquiao, PolSci graduate na ng University of Makati

- Nagtapos na ng kolehiyo si Senator Manny Pacquiao sa University of Makati

- May diploma na siya sa kursong Bachelor of Arts in Political Science- Local Government Administration

- Nag-martsa rin ang senador gaya ng ibang mga nagsipagtapos sa unibersidad

- Kasama ng boxing legend ang kanyang misis at kanyang panganay na anak

- Noon pa man ay hayagan nang sinasabi ni Pacman ang kahalagahan sa kanya ng edukasyon kaya ganoon na lamang ang kasiyahan niya ngayon na siya at nakatapos na ng kolehiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Proud ang boxing superstar na si Senator Manny Pacquiao dahil nakapagtapos na siya ng kolehiyo ngayong araw, Disyembre 11 sa University of Makati.

Bakas ito sa mga larawang kuha sa kanyang graduation rites kung saan nakatanggap siya ng diploma sa kursong Bachelor of Arts in Political Science- Local Government Administration.

Litaw na litaw ang ngiting tagumpay kay Pacman dahil sadyang napaka-espesyal ng araw na ito para sa kanya.

Sinamahan siya ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao at ang panganay nilang anak na si Jimuel.

Naki-martsa rin ang pambansang kamao habang suot ang kanyang toga.

Sa kanyang Instagram post, di pa rin nawala ang kanyang paniniwala tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa isang tao.

Ayon sa Pambansang Kamao, magsilbing inspirasyon daw siya sa mga taong minsan nang nawalan ng kompiyansa sa sarili.

Nagpasalamat sin siya sa mga taong sumuporta sa kanya sa kanyang desisyong magtapos pa rin ng pag-aaral sa kabila ng tinatamasang tagumpay sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang balita ng KAMI, nabanggit ng senador na pagkatapos niya ng kolehiyo, binabalak rin niyang mag-masteral sa Harvard University sa Amerika.

Taong 2007 nang makapasa sa Alternative Learning System si Senator Manny na siyang naging simula ng kanyang buhay kolehiyo.

Dala ng dami ng kanyang pinagkakaabalahan, pakonti-konti lamang ang units na kanyang kinuha para sa kurso kaya naman natagalan siyang mag- kolehiyo.

Ngayon at isa na namang tagumpay ang kanyang nakamit, pinangako ng senador na kailanman ay di niya malilimutan ang mga naging karanasan at natutunan sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica