Igorot, proud na nagsuot ng bahag sa SEA Games habang lumalaban
- Ipinakita ng isang atletang Igorot ang kanyang pagmamahal sa kanyang pinagmulang lahi sa pamamagitan ng pagsusuot ng bahag sa kanyang laban
- Lumaban ito sa arnis anyo category at nanalo ng gintong medalya mula rito
- Inamin naman ni Senator Miguel Zubiri, presidente ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation, nagkaroon ng problema noong una dahil tumanggi ito na magsuot ng underwear
- Pinuri naman ni Zubiri ang husay at tagumpay nito para sa bayan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Matagumpay na nag-uwi ng gintong medalya ang atletang Igorot na si ChriSamuel Delfin mula sa South East Asian Games 2019 mula sa 'men's arnis anyo' category.
Umangat kasi ang galing nito nang ipakita nito ang kanyang combat skills sa saliw ng tugtugin mula sa mga ethnic instruments.
Pero bago nito, nagkaroon pa raw ng problema ang pagsali nang ipaglaban nito ang pagsusuot ng bahag sa kanyang laban, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
Inamin ni Senator Miguel Zubiri, presidente ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation, na nagkaroon ng problema noong una dahil tumanggi ito na magsuot ng underwear sa ilalim ng bahag.
"He is a proud Igorot and he is proud of his lineage. We had some problems because he wanted to wear his bahag without any brief," ayon kay Zubiri.
Sa kultura raw kasi ng mga Igorot, insulto para sa mga ito ang pagsusuot ng underwear.
"(Delfin) didn't want because he said as an Igorot, it is an insult to wear a brief or something under [the bahag]," sabi pa ni Zubiri.
Una nang tumanggi ang International technical officials sa hiling ni Delfin. Iniiwasan lamang ng mga ito ang posibleng wardrobe malfunction dahil naka-live broadcast ang mga laro.
"Our coach said, 'It is better to disqualify him than to deny him of his heritage,'" sabi ni Zubiri.
"I had to talk to the coach and said, 'No, no, no, huwag [i-disqualify] kasi magaling itong batang ito'."
Sa huli, pumayag na rin si Delfin na magsuot ng string undergarment sa ilalim ng kanyang bahag.
Ipinakita naman daw ito sa mga judges at pumayag naman ang mga ito.
Pinuri naman ni Zubiri ang husay at tagumpay ni Delfin sa pagbibigay karangalan sa kanyang lahi at maging sa buong bansa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh