Puwersahang pagsakay ng sumisigaw na babae sa van, sapul sa video

Puwersahang pagsakay ng sumisigaw na babae sa van, sapul sa video

- Nakunan ng video ang aktwal na pamumwersa sa isang babae na sumakay ng isang van

- Makikinig na nagsisisgaw ang babae at humihingi ng tulong

- Pilit din itong lumalabas ng van dahil kita pa ang kanang binti nito

- Mayroong mga nakasaksi bukod sa nakakuha ng video ngunit di rin nagawang tulungan ang babae

- Halos makaladkad na ito nang humarurot ng takbo ang van

- Ilang oras matapos itong maibahagi sa publiko, lumabas ang balita na isang babae ang kumpirmadong na-kidnap sa Makati City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakikilabot ang mabilis na nag-viral na video kung saan makikita ang ang isang babaeng sapilitang isinasakay ng van.

Binahagi ng Facebook page na Etc ang video na sinasabing nakunan sa Makati City.

Maririnig ang malinaw na pagmamakaawa ng babae habang hinihila ito ng mga sakay ng van papaloob.

Pilit ding kumakawala ang babae dahil kita pa ang kanang binti nito at nais na makaalis mula sa van.

Bukod sa kumukuha ng video, may ilang nangahas na lumapit ngunit di rin nagawang tulungan ang babae.

Halos makaladkad ang biktima sa bilis ng pagharurot ng sasakyan papalayo.

Ayon sa mga nakakita ng video, tila tumutugma ang insidenteng ito sa kidnapping incident na nangyari sa Paseo De Roxas, Makati City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinumpirma ito Makati police investigations chief Major Gideon Ines kung saan nakatanggap umano sila ng report na isang babae ang na-kidnap gabi ng Diyembre 9.

May ilang mga video na kumalat kaugnay ng insidente na tinutukot ng pulisya.

Nakakuha rin ng ID at ibang papeles ang pulisya sa pinangyarihan ng pagdakip.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidenteng ito.

Totoo man o hindi, ibayong pag-iingat pa rin ang dapat gawin lalo pa at nalalapit na ang kapaskuhan.

Narito ang video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica