Apl.de.ap, sinagot ang sinabi ng isang journalist na hindi siya Pinoy
- Sinagot ng Filipino-American na si Apl.de.ap ang sinabi ng journalist na si Raissa Robles na hindi siya Pilipino
- Ilang beses kasing kinuwestyon ni Robles ang pagka-Pinoy ni Apl sa kanyang mga tweets
- Ilang netizens din ang nag-tag kay Apl ng mga tweets ni Robles
- Ayon sa sikat na singer at rapper, hayaan na lamang daw ito at magkaisa para sa bayan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Sinagot ng Filipino-American singer/rapper na si Apl.de.ap ang sinabi ng journalist na si Raissa Robles na hindi siya Pilipino.
Ilang beses binanggit ni Robles sa kanyang mga tweets na hindi isang Pinoy si Apl.
Pinuna rin nito ang opening ceremony ng 30th SEA Games na ginanap sa Philippine Arena noong nakaraang Sabado, kung saan isa si Apl sa nagperform.
Anito, hindi lahat ng performers at mga kantang ginamit sa SEA Games ay hindi naman nagmula sa Pilipinas.
“Hindi Pinoy si Apl de Ap. Amerikano na sya. Pinoy pop – yung kinanta na Kay Ganda ng Lahing Pilipino – hindi native yan. Ginaya sa Amerika. Gaya ng ballet, banyaga pero nilagyan ng mga Pinoy elements. I’ve seen very good ballet dances w Phil. native dance movements,” ayon sa isang tweet ni Robles.
“Pilipino ba si Apl di Ap?” tanong pa ni Robles sa isang netizen.
Sumagot naman si Apl sa ilang netizens na nagkomento sa sinabi ng journalist.
“According to @raissawriter you’re not Pinoy. Ang bigat sa dibdib na lulubog ng ganitong kababa ang isang tao ng dahil lang sa pulitika. Yaan mo na. Sa bayan naman’y Pinoy ka pa rin! Maybe nxt time pag LP na uli ang nakaupo, Pinoy ka na uli para sa kanila,” sabi ng netizen na si VJ Alipon.
Gumamit naman ng laughing emoji si Apl para sagutin ang komento ni Lipon.
Samantala, sa isa pang tweet mula sa isang netizen, may naging deretsong sagot na si Apl ukol sa pahayag ni Robles.
“Let the haters continue to hate, we’re here as a country to motivate and elevate,” ani Apl.
Sumikat at nakilala sa buong mundo si Apl bilang isa sa mga miyembro ng grupong Black Eyed Peas.
Ganunpaman, hindi ito naging hadlang upang kilalanin niya at balikan ang kanyang pinagmulang bayan.
Isa ang kantang "Bebot" sa kanyang sariling komposisyon at inawit na tungkol sa mga Pinay. Ito rin ang kanyang kinanta noong Sabado sa opening ceremony ng 2019 SEA Games.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh