Bukod sa yosi: Labis na pagkain ng 'inihaw', maaring magdulot ng cancer ayon sa eksperto

Bukod sa yosi: Labis na pagkain ng 'inihaw', maaring magdulot ng cancer ayon sa eksperto

- Isa sa nakikitang dahilan ng cancer sa mga Pinoy ang labis na pagkain ng mga inihaw

- Nagdudulot daw ito ng carcinogens dahil sa chemical reaction na nagaganap habang iniihaw ang pagkain partikular na ang taba ng baboy at baka

- Bukod dito, ang labis na paglanghap din sa mga usok lalo na ng sigarilyo ay maari pa ring maging dahilan ng pagkakaroon ng lung cancer

- Sadyang mapanlinlang daw ang sakit na ito dahil di agad nakikita ang sintomas sa maagang panahon

- Isang paraan upang makaiwas din dito ay ang pagtaas ng pinakamababang edad na maaring manigarilyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing isa sa maituturing na legal na adiksyon ang paninigarilyo sa ating bansa. Ito ay isang mabigat na dahilan din ng pagkakaron ng lung cancer na nagiging dahilan ng maagang pagpanaw ng mga Pilipinong labis ang pagkonsumo ng sigarilyo araw-araw.

Ngunit lingid sa ating kaalaman na isa pa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng kanser ng mga Pinoy ay ang pagkahilig natin sa mga inihaw na pagkain.

Barbecue, isaw, dugo, atay at iba pa ay mga pagkaing madalas makita sa kalsada na iniihaw.

Ito ang dahilan kung bakit maraming bilang ng mga Pinoy ang paborito ang mga pagkaing ito.

Bukod sa malasa, madali itong makapukaw ng gutom at madaling kainin.

Bukod sa yosi: Labis na pagkain ng 'inihaw', maaring magdulot ng cancer ayon sa eksperto
source: Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, di natin namamalayan ang labis na pagkonsumo nito na siya pa lang maaring dahilan sa pagkakaroon ng matinding karamdaman tulad ng lung cancer.

Ang pag-ihaw ng karne ay nagdudulot ng carcinogens at nagkakaroon ng chemical reaction na siyang bumubuo ng cancer sa katawan ayon sa mga ekperto ng Philippine Cancer Society.

Kaya naman maaring ang ilan ay nagtataka na di sila nagsisigarilyo ngunit tinamaan pa rin sila ng kanser.

Ayon sa panulat ni Anne Jambora ng Philippine Star, bagaman at paninigarilyo pa rin ang numero unong dahilan ng pagkakaroon ng lung cancer, maari ring bawasan ang pagkonsumo ng mga inihaw na pagkain upang makaiwas sa karamdamang kumikitil sa maraming buhay ng mga Pinoy taon-taon.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica