Dalaga, tumakbo kay idol para ireklamo ang GF na bugbogero

Dalaga, tumakbo kay idol para ireklamo ang GF na bugbogero

- Sagad na raw sa kanyang kasintahan ang dalagang tumakbo kay Raffy Tulfo para humingi ng tulong

- Inireklamo nito ang pananakit ng karelasyong lesbian at gusto ding mabawi ng dalaga ang pera nito na nasa GF pa raw

- At nais nitong makulong ito upang pagbayaran ang nagawa sa kanya

- Pero ang inirereklamo, hindi na raw mahagilap pa maging ng mga kaibigan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sagad na raw ang dalagang si Kate Nicole Cunanan sa pananakit ng kanyang kasintahang si "Michelle".

Kaya naman tumakbo na ito sa programang Wanted sa Radyo para humingi ng tulong kay Raffy Tulfo.

Giit pa ni Cunanan, wala pa silang isang taon bilang magkarelasyon ay puro na raw pananakit ang natamo niya.

Ilang beses na rin daw niyang pinatawad si Michelle ngunit paulit-ulit lamang ito sa mga kasalanan.

Selos ang madalas na ugat ng kanilang pag-aaway na kung minsan ay nauuwi na sa pangbubugbog nito.

Pati ang kanyang mga gamit ay hindi rin nakaligtas sa pagiging bayolente ng kasintahan.

Sinubukan naman daw nitong bumitaw sa kanilang relasyon ngunit hindi raw nito hinahayaan na makalaya siya.

Bukod sa pananakit, nais rin ni Cunanan na mabawi ang pera niya mula kay Michelle na tinatayang nasa P100,000.

Maging ang mga gamit na sinira nito ay nais niyang mabawi mula rito na tinataya ring nasa P100,000 ang halaga.

Hindi na rin daw kasi mahagilap pa ang babae at maging kapatid nito ay wala na rin sa dati nilang tinitirahan.

At kahit pa inamin ni Cunanan na mahal pa rin niya ang kasintahan, nanindigan ito na itutuloy ang laban para mapagbayaran ni Michelle ang mga kasalanan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel