Panibagong actual na video diumano ng pagdukot sa isang lalaki, viral sa social media

Panibagong actual na video diumano ng pagdukot sa isang lalaki, viral sa social media

- Muling nag-viral ang isang video na kuha ng CCTV kamakailan

- Ito diumano ay actual footage ng pagdukot sa isang lalaki

- Nababalot ngayon ng pangamba ang karamihan matapos magbahagi ng mga personal na karanasan ang mga netizens tungkol sa diumano'y kaso ng kidnapping

- Ilang CCTV footages na rin ang kumakalat sa social media na lalong nagdulot ng pangamba sa mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nabalot ng pangamba ang karamihan matapos pumutok ang balita tungkol sa diumano'y pagkakawala ng ilang mga tao sa iba't-ibang panig ng Metro Manila.

Marami din ang nagbahagi ng kanilang personal na karanasan at pagkasaksi sa diumano'y pangdudukot ng puting van. Kamakailan nga ay isa na namang CCTV Footage ang nagviral. Makikita sa nasabing video ang isang lalaking naglalakad.

Lumapit ito sa nakaparadang van na tila kinausap ang sakay nito. Kasunod niyon ay sapilitan na siyang isinakay. Gayunpaman, dahil medyo malaki siya kumpara sa mga taong kumukuha sa kanya, pumalag siya.

Wala na siyang nagawa nang may iba pang mga lalaki ang tumakbo palapit at pinagtulungan siyang isakay sa sasakyan.

Panuorin ang video na ito na ibinahagi ng Facebook user na si Luis Billeca.

May mga netizens na nagpahayag ng pangamba. Meron din namang tila hindi kumbinsido kung may katotohanan ang balita.

Matatandaang nagkaroon ng kaparehas na insidente noong nakaraang taon na kung saan inamin ng ilang kalalakihan na prank lamang ang kanilang ginawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat, idinetalye ng isang mag-aaral ang karanasan niya kaugnay sa napapabalitang kidnapping.

Nais ipaalala ng KAMI, na nawa ay laging maging mapanuri at alerto lalo na sa panahon ngayon. Maging mapagmatyag sa paligid at hangga't maari ay iwasang maglakad nang mag-isa lalo na sa mga lugar na hindi masyadong matao.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Get the latest scoop on celebrity news and updates! Check out our features on the country's hottest stars! Check out — Showbiz Love: Matteo Guidicelli + Sarah Geronimo And Joyce Pring + Juancho Trivino on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel