Maui Taylor, hindi nababahalang matuklasan ng mga anak ang dating "daring image"

Maui Taylor, hindi nababahalang matuklasan ng mga anak ang dating "daring image"

- Ibinahagi ni Maui Taylor na naiisip niya din na matutuklasan ng kanyang dalawang anak ang kanyang daring image bago pa man siya nagkaroon ng pamilya

- Ayon pa sa dating Viva Hot Babes member, hindi imposibleng matuklasan iyon ng kanyang dalawang anak lalo at lahat ay nakikita ngayon sa internet

- Gayunpaman, confident diumano siyang kaya niyang i-explain sa kanyang anak na gumanap lamang siya sa karakter sa pelikula

- Bukas pa rin diumano ang aktres sa mga roles na hindi gaanong wholesome

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng dating Viva Hot Babes member na si Maui Taylor na naiisip niya ding matutuklasan din ng kanyang mga anak ang kanyang dating daring image sa mga pelikula. Ayon sa kanya, hindi maiiwasang may makapagsabi o makikita nila iyon sa internet.

Gayunpaman, confident si Maui na kaya niya itong ipaliwanag sa mga anak niya.

Aniya, ang mahalaga ay maliwanag sa mga bata na gumanap lamang siya sa mga role sa pelikula.

Actually, naisip ko na ’yon. Eventually someone will tell them. Hindi mo naman matatago ’yon. Ang internet world ngayon, iba na. For sure, they will see. But, ako, feeling ko, kaya ko siyang i-handle, i-explain," aniya sa panayam ng Smart Parenting.

Dagdag pa niya, ang mahalaga ay “hindi nila nakikita na nagwawala ka sa labas or doing something else with other men.”

Napag-alaman din ng KAMI na nananatiling bukas si Maui sa mga trabahong may temang kagaya ng dati niyang ginagampanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagdating naman sa pagpasok sa showbiz ng kanyang mga anak, hindi tutol ang aktres. Gayunpaman, sa ngayon, guesting lang muna ang maaaring gawin ng mga ito.

Eventually kung gusto talaga nila kasi makikita din naman nila sa mommy ’yon. It’s up to them. I’ll let them decide," dagdag pa niya.

Sa naunang ulat, isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Maui sa pagpanaw ng kanyang ama.

Si Maui Taylor ay isinilang noong June 28, 1983 sa Brighton, England bilang si Maureen Anne Tupaz. Nakilala siya sa mga pelikulang Gamitan (2002), Ang huling birhen sa lupa (2003) at Bugbog sarado na ipinalabas din noong 2003.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Get the latest scoop on celebrity news and updates! Check out our features on the country's hottest stars! Check out: Showbiz Love: Matteo Guidicelli + Sarah Geronimo And Joyce Pring + Juancho Trivino on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel