Estudyante, binahagi ang detalye ng muntik na pagkuha sa kanya ng "gray van"
- Isang estudyante ang nakatakas di umano sa kamay ng mga kidnapper na sinasabing isinasakay ang mga biktima sa van
- Idinetalye ng lalaki kung paano siya muntik na makuha at kung paano siya pinalad na makatakas
- Naganap daw ito sa Pasay kung saan minsan nang naglabas ng pahayag ang Mayor doon ng pagkabahala sa mga taong nawawala sa kanilang lugar at pinakilos na nito ang pulisya para tuluyang maimbestigahan ang pangyayari at mahanap na rin ang mga taong nasa likod nito
- Marami-rami na rin ang nagsasabing may kauganayan daw ito sa bentahan ng laman loob na may kalakihan ang kita
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang estudyanteng netizen ang nagbahagi ng kanyang nakakikilabot na karanasan kung saan muntik na umano siyang madampot at maisakay sa puting van.
Nagbigay babala ang netizen na si Tantan Valenciano sa publiko dahil sa naglipana na naman ang mga nangunguha ng tao.
Nalaman ng KAMI na isa pala si Tantan sa mga muntik nang maisakay sa gray na van sa Pasay kung saan may nai-ulat nang 9 na taong may edad 15-23 ang nawawala.
Kwento ni Tantan, inutusan daw siya ng nanay ng kanyang girlfriend na mag-withdraw dahil nasa ospital ito.
Nang siya ay naglalakad, bigla na lamang daw siyang hinatak ng isang lalaki at ipapasok pa sana siya sa gray na van.
Mabuti na lamang at may kalakasan si Tantan kaya naman nakapiglas ito.
Naputol man ang kanyang bracelet, ang mahalaga ay nakawala siya sa pagkakahawak sa kanya ng mga lalaki.
Kahit balot ng takot, nagawa pa rin niya ang utos ng nanay ng girlfriend ngunit nang makabalik na siya sa ospital, doon siya napahagulhol dala pa ng nangyari.
Mabilis na nag-viral ang post sa dami na rin ng nababahala sa misteryosong pagkawala ng ilang residente sa Pasay.
Sa naunang ulat ng KAMI, naibalitang naalarma na ang alkalde ng nasabing lungsod na si Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga pangyayaring ito kaya naman pinakilos na niya ang kanilang pulisya.
Kung dati ay mga bata ang puntirya ng nangunguha ng mga tao, ngayon ay pawang mga nasa edad 15-23.
Marami ang nagsasabing may kaugnayan ito sa nakakakilabot na bentahan ng lamang loob kung saan malaki raw kasi ang binabayad sa mga nangunguhang ito.
Totoo man o hindi, magsilbing babala ito sa publiko lalo pa at wala nang pinipiling edad ang mga biktima nito.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh