Aktwal na pangunguha ng "puting van" sa kanilang mga biktima, sapul sa CCTV

Aktwal na pangunguha ng "puting van" sa kanilang mga biktima, sapul sa CCTV

- Nakita sa isang CCTV footage ang nakakikilabot na pangunguha ng puting van ng mga taong kanilang bibiktimahin

- Kamakailan lamang ay naalarma na ang Pasay City sa sunod-sunod na pagkawala ng mga residente nila na wala naman di umanong koneksyon sa isa't-isa

- May ilang nagasabing kaugnay pa rin ito ng di umano'y bentahan ng lamang loob na minsan nang naging bali-balita noong bata pa ang kanilang mga binibiktima

- Totoo man o hindi ang sinasabing pakay ng pangunguhang ito, maging babala pa rin ito sa publiko na laging maging alerto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa CCTV ang di umano'y pwersahang pagsasakay sa isang lalaking nakatayo lamang sa gilid ng kalsada habang gamit nito ang kanyang mobile phone.

Ayon sa Villamorthodox, kuha raw ito sa Mandaluyong bandang alas nuebe ng gabi.

Kitang-kita kung gaano kabilis ang mga pangyayari na wala pang ilang segundo ay naisakay na ang lalaki sa "puting van."

Una nang naibalita ng KAMI na naalarma na ang alkalde ng Pasay City dahil umano sa sunod-sunod na pagkawala ng kanilang mga residente noong mula Nobyembre 20 hanggang Nobyembre 22.

Humingi na ng tulong si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano kay Pasay police chief Col. Bernard Yang upang pangunahan ang imbestigasyon sa pagkawala ng nasa siyam na residente ng siyudad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinatayang nasa 15-23 ang mga taong nawala na di nalalayo sa edad marahil ng lalaking nakuhanan ng CCTV sa Mandaluyong.

Nito lamang nakaraang taon, bata raw ang pinupuntirya ng mga "puting van."

Ayon sa ilang netizens, ang mga puting van daw na ito ay nangunguha ng tao upang ibenta ang mga lamang loob nito sa malaking halaga.

Tila naiuugnay pa ito sa panahon ng kapaskuhan kung saan marami raw pagkakagastusan kaya naman marami rin ang nakagagawa ng di maganda magkaroon lamang ng pera.

May katotohanan man ang di umano'y bentahan daw na ito, magsilbing babala pa rin ito sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras dahil wala nang pinipiling edad at oras ang mga nangunguha ng tao na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica