Pinay OFW, ipinamalas ang talento at pagmamahal sa baking kahit hindi suportado ng partner niya

Pinay OFW, ipinamalas ang talento at pagmamahal sa baking kahit hindi suportado ng partner niya

- Isang Pinay OFW ang nagbahagi ng kanyang kwento sa tungkol sa kanyang hilig sa baking at pamilya

- Bata pa lang ang Pinay ay mahilig na siya mag-bake dahil hilig din ito ng kanyang nanay

- Subalit, hindi naman ito naging suportado ng kanyang partner kaya naghiwalay din sila

- Kaya naman, mas minabuti na lang ng Pinay na makipagsapalaran sa ibang bansa upang mabuhay ang pamilya niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinay na overseas Filipino worker (OFW) ang nagpamalas ng kanyang talento at pagmamahal sa pagbe-bake.

Nalaman ng KAMI na kahit may matinding pinagdadaanan sa buhay, mas pinili pa rin ng Pinay ang mag-bake ng iba’t-ibang mga kakanin at desserts.

Kwento ng netizen na si Leny Tiong, 5 years old pa lang siya noong nagkaroon siya ng interes sa pagbe-bake dahil hilig din ito ng nanay niya. Siya na ang nagsilbing assistant ng nanay niya kaya mabilis na lang din umano siyang natuto.

Ginawang business ni Leny ang kanyang hilig sa baking. Sinasabay nita rin ito sa kanilang tindahan.

Subalit, ibinahagi niya na hindi suportado ng partner niya ang kanyang hilig sa baking.

“’Di alam ng partner ko kasi pang gabe ang duty nya. Kailangan pag uwi ko wala pa sya. Kasi ayaw nya ng maraming hugasin...hindi nya suportado ang pag be bake ko which is kinakalungkot ko,” giit nito.

Ayaw nya na tambak ang labahan at hugasan. Hanggang sa madalas na talaga kami mag away. At di na talaga ako makatiis at nag decide ako mag abroad,” dagdag niya pa.

Hindi nagtagal ay umayaw na raw ang partner niya at nagpasyang maghiwalay na lang din sila.

Sabihin na natin i choose baking kaysa partner ko.. Sad to say pero hiwalay na kami,” sabi ni Leny.

Umayaw na din sya. Masakit pero kailangan lumaban para sa mga anak,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman payo ni Leny, kahit anumang mga pinagdadaanan sa buhay, dapat ay ipamalas ang angking talento at abutin ang mga pangarap.

ANG TALENTO AY GINTO, WALANG HALAGA KUNG ITATAGO MO LANG,” aniya.

Kaya ikaw na may pangarap.. Ano man painagdadaanan mo ngayon.. Kapit lang... Magpahinga pag pagod…Pero wag kang umayaw.. NGUMITI KA LANG AT LAKIHAN MO,” dagdag pa nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Public Pranks! This prank involves Pennywise, the monster clown from the hit movie "It"! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel