Top 5 Gyms in Manila With Best Facilities
Dahil sa dumarami na ang mga health conscious sa panahon ngayon, dinadagsa na ang mga fitness gym sa ating bansa.
Sa dami raw kasi ng mga kakaibang sakit na patuloy na kumakalat, marami ang nakakaisip na magkaroon na ng healthy lifestyle.
Mula sa tamang pagkain at balance diet, naglalaan na ang mga Pinoy ng oras para mag-ehersisyo at magpunta sa gym.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kaya naman hinagilap ng KAMI ang may pinakaayos at may epektibong kagamitan sa isang gym partikular sa Maynila.
5. The Upper Deck Gym
Mayroon itong indoor basketball at badminton courts, boxing gym, yoga at indoor cycling studios.
Sadyang kaaya-aya ang lugar at mapapa-selfie ka raw sa ganda at ayos nito. Matatagpuan ang The Upper Gym Deck sa 6/F The Upper Deck Sports Center, #1, Doña Julia Vargas Avenue, Pasig.
Bukas ito mula alas-sais ng umaga hanggang 12:00 ng umaga.
₱3,500 ang monthly membership dito.
4. Gold's Gym
Kilalang-kilala sa bansa ang gym na ito dahil sa madalas itong may pwesto sa mga malls kaya madaling puntahan. Madalas din daw ditong mag-gym ang ilang artista kaya naman maari mong magaya ang kanilang gym routine.
Tulad ng The Upper deck, bukas ito mula alas sais ng umaga hanggang 12:00 ng umaga.
Nasa ₱3,800 hanggang ₱28,000 ang membership dito saanmang branch sa bansa.
3. 360 Fitness Club
Kakaiba ang gym na ito dahil tinaguriang itong "no machine" gym na purong ehiseryo ang ginagawa.
Ito ay bagay sa mga di gaanong dumedepende sa mga gym equipments.
₱13,200 ang membership para na ito sa loob ng anim na buwan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
2. Fitness First
Kilala rin ang gym na ito worldwide dahil sa makabago at epektibo nilang mga kagamitan.
May dalawang klase ng membership ang Fitness first. Mayroon itong tinatawag na Premium clubs kung saan mga pangkaraniwang kagamitan lamang sa gym ang maaring magamit. At ang isa naman ay Platinum clubs kung saan mas maraming maaring gym equipments ang maaring gamitin.
Bukas ito mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi depende sa branch.
May one-time payment dito na ₱3,000 joining fee at ₱1,500 admin fee. ₱4,395 ang monthly dues dito para na sa 5-month membership.
1. Anytime Fitness
24-oras na bukas ang Anytime Fitness kaya naman patok ito sa Maynila. Kahit anong oras na maisipang mag-gym pwedeng pwede rito.
Kung ikaw ay nagpa-member sa isa sa kanilang branch, maari ka nang mag-gym sa mahigit 4,000 branches nito sa buong mundo.
May one-time fee rito na ₱1,000 para sa joining fee at ₱2,500 key fob fee. ₱2,700 naman para sa monthly dues sa loob ng anim na buwan na membership.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!
Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh