Department of Education, iimbestigahan ang kaso ng "pamamahiya" kay Teacher Melita Limjuco

Department of Education, iimbestigahan ang kaso ng "pamamahiya" kay Teacher Melita Limjuco

- Nagsalita ang Undersecretary at Spokesperson ng Kagawaran ng Edukasyon na si Annalyn Sevilla tungkol sa kaso ni Teacher Melita Limjuco

- Si Ginang Limjuco ang gurong inireklamo ng magulang ng isang mag-aaral na kanyang pinaupo sa labas ng silid aralan matapos makipag-away at makaligtaang dalhin ang kanyang report card

- Umani ng batikos mula sa netizens ang naging aksyon ni Raffy Tulfo matapos lumapit sa programa niya ang mga nagrereklamo

- Gayunpaman, humingi ng paumanhin si Tulfo at sinabing hindi na paaalisan ng lisensiya ang guro, bagkos, tatanggap pa rin ito ng karampatang parusa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa DepEd Undersecretary at Spokesperson na si Annalyn Sevilla, ang legal team ng Central Office ng Kagawaran ng Edukasyon ay nakikipag-ugnayan sa regional at division offices kaugnay sa nangyaring "pamamahiya" sa gurong si Melita Limjuco.

“We will wait for their validated status report first,” aniya sa isang ulat ng Manila Bulletin.

Matatandaang umani ng pambabatikos mula sa netizens ang naging aksiyon ni Mr. Raffy Tulfo matapos lumapit ang mga magulang at lola ng isang batang pinaupo sa labas ni Ginang Limjuco matapos makipag-away sa kaklase at makaligtaan ang kanyang report card.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inalmahan ng netizens ang tinuran ni Mr. Tulfo na patatanggalan ng lisensiya ang guro. Ito ay sa kabila ng pagpapakumbaba ni Gng. Limjuco.

Dahil sa naging reaksiyon ng publiko, binawi ni Mr. Tulfo ang kanyang sinabi at kinumbinsi ang ina ng bata na pagbabatiin na lamang sila ng guro.

Si Raffy Tulfo ay isang Filipino broadcast journalist na nakilala sa kanyang programang Wanted sa Radyo, on Radyo5 92.3 News FM. Layon ng programa na tumulong sa mga naaapi.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines, holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate