Grupo ng mga wedding planner, tinupad ang 'dream wedding' ng na-scam na mag-asawa

Grupo ng mga wedding planner, tinupad ang 'dream wedding' ng na-scam na mag-asawa

- Inulit ang isang kasal na nauwi sa isang bangungot para sa groom at bride

- Na-scam umano sila ng kanilang wedding organizer at di natupad ang kanilang plano sa kasal

- Nag-viral s grupo ng wedding organizers ang nangyari sa kasalang ito

- Ilang wedding organizers ang nagdesisyon na tulungan ang mag-asawa at isinakatuparan nila ang kasalan na wala ni isang sentimo ang ginastos ng mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagmistulang isang bangungot daw ang unang kasalan nina Jerome at Marry Ann Traballo.

Nalaman ng KAMI na na-scam pala ang mag-asawa na di naisakatuparan ang plano para sana sa kanilang dream wedding.

Ayon sa panayam ng Philippine Star sa mag-asawa, masakit para sa kanila ang nangyari dahil espesyal na araw ito na kanilang pinaghandaan.

Kwento pa ni Jerome, naaawa siya sa misis dahil gabi-gabi raw talaga itong umiiyak dahil sa sinpit ng kanilang selebrasyon sana ng pagiging isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa mismong kasal ng dalawa, nagawa nilang mag-Facebook live at nag-viral ang kanilang video lalo na sa page ng mga wedding planner.

Kaya naman naisip ng isa sa nasabing grupo na i-remake ang kasalan at tuparin ang dream wedding ng mag-asawa.

Pinamunuan ni Marjorie Ferrer Dizon ang muling pag-iisang dibdib nina Marry Ann at Jerome.

Bakas naman sa mukha ng mag-asawa ang labis na kasiyahan na natupad ang hiling at totoong plano ng kanilang kasalan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce |

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel