Pinay OFW, ipinagmalaki ang katas ng kanyang paghihirap sa Kuwait

Pinay OFW, ipinagmalaki ang katas ng kanyang paghihirap sa Kuwait

- Isang Pinay na overseas Filipino worker (OFW) ang ipinamalas ang kanyang mga naipundar sa pagtatrabaho sa ibang bansa

- Matapos ang 7 na taong pagtatrabaho sa Kuwait, nakapagpundar na ito ng bahay at lote

- Giit pa ng Pinay OFW, pinag-aaral din niya ang kanyang kapatid na nasa kolehiyo na ngayon

- Napabilib at namangha rin naman ang mga netizens sa mga naging katas ng paghihirap ng OFW matapos ang ilang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinamalas ng isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang mga naipundar nang magtrabaho siya sa ibang bansa.

Nalaman ng KAMI na nakapagpatayo na ng bahay ang OFW at may pinag-aaral pa itong kapatid sa kolehiyo matapos ang 7 years na pagtatrabaho abroad.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Ginalyn Bercede Gabayan Guingue, kahit na isang sahod lang ang kanyang maiuuwi, masaya pa rin ito dahil sa dami ng mga naipundar niya.

Makikita sa Facebook post ang bahay na napapaligiran ng mga puno at alahas.

Pinay OFW, ipinagmalaki ang katas ng kanyang paghihirap sa Kuwait
Screenshot from Facebook
Source: Facebook

“Share kulang Katas ng pinag hirapan sa kuwait nx mo th thanks god uowi ako ng isang sahod lang na pira ma iuwi.pro ok lang may nakta nman sa pinag hirapan at my pinapaaral pang college na kapated ko,” sabi ni Ginalyn sa kanyang post.

Giit ng netizen, unti-unti na niyang natutupad ang kanyang mga pangarap dahil siya ay nagtatrabaho ng marangal at sinasamahan niya pa ito ng dasal.

“Pangarap na sa buhay dahan2x tutoparin basta mag trabaho lang ng marangal kasama ang pagdadasal ni god,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, namangha at napabilib naman ang mga netizens sa naging resulta ng paghihirap ng Pinay OFW sa Kuwait. Narito naman ang kanilang mga komento sa Facebook page:

“Wow sana all talaga”
“Tama ka kabayan”
“Sarap tumira dyan puro puno congrats kabayan god bless sau at sa buong family mo”
“Galing ah. Wow kabayan!”
“Congratulations po kabayan”
“Congrats kabayan.. Sana ako den..”
“Ayos Yan kabayan nkapagpundar ka”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)