Mister, buking ni misis sa pag-like sa mga hot photos ni Ivana Alawi

Mister, buking ni misis sa pag-like sa mga hot photos ni Ivana Alawi

- 'Di pinalagpas ng isang misis ang madalas na pag-like ng kanyang mister sa mga larawan ni Ivana Alawi sa social media

- Biro pa ni misis na magkikita sila ni Alawi sa programa ni Raffy Tulfo at tinag pa ang page nito

- Pero sabi naman ni misis, joke lamang ito at pinuri pa ang kasexy-han ni Alawi

- Habang si mister naman ay napa-react din sa post ng kanyang misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naku lagot! Buking ng isang misis ang pag-like ng kanyang mister sa mga larawan ni Ivana Alawi sa social media.

Sa Facebook post ng netizen na si Jane Duranggo, ibinahagi nito ang ilang larawan ng social media post ni Alawi kung saan makikitang binilugan pa nito ang pangalan ng kanyang asawa na isa sa mga nag-like sa mga ito.

Reklamo pa ni misis, sapilitan pa raw kung mag-like ito sa kanyang post.

Biro pa ni misis, magkita na lamang sila ni Alawi sa programa ni Raffy Tulfo at tinag pa nga ang social media account nito.

Kilala kasi ang programa ni Tulfo sa pagtulong sa mga nangangailangan at madalas na nilalapitan ng mga misis na inirereklamo ang mister na nangaliwa.

"Calling the attention of Ivana Alawi sumusobra kna ah. Magkita tayo kay Raffy Tulfo In Action di nga yan makapaglike sa mga posts ko, sapilitan pa," ayon sa caption ni Duranggo.

Pero paglilinaw ni Duranggo, joke lamang ito at pinuri pa nga ang kasexy-han ni Alawi.

"P.S. Baka mamisinterpret ng iba.. Yung pagkakasabi kong sumusobra na si Ivana, what I mean is sa sobrang kasexyhan at kagandahan niya Idol sya ng asawa ko nakakainis lang kasi pala'react sya dun kesa saken di naman po kami aabot kay Sir Raffy Tulfo," anito.

Habang si mister, napa-react talaga sa post ni misis.

"HALA! San mo nakuha yan? Dami kong tawa dto. Lakas mo."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel