Nakakatouch na excuse letter ng 1 estudyante, pumukaw sa damdamin ng marami

Nakakatouch na excuse letter ng 1 estudyante, pumukaw sa damdamin ng marami

- Hindi naiwasan ng marami ang maantig ang damdamin sa isang excuse letter ng isang estudyante

- Ang nasabing liham na ito ay naglalaman ng tagos sa pusong mensahe ng pagmamahal ng anak para sa kanyang mga magulang

- Ang kamag-aral ng estudyante ang siyang nagbahagi ng larawan ng excuse letter sa social media

- At sa kasalukuyan ay mayroon ng 34,000 na reactions at 38,000 shares mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Tagos sa puso ang nilalaman ng isang excuse letter ng isang estudyante sa South Cotabato na mabilis na nagviral sa social media.

Sa isang ulat ng CDN, ang kamag-aral ng estudyanteng si Regie Lomboy ang siyang kumuha ng larawan ng excuse letter at ibinahagi sa Facebook.

Ayon sa liham: “Dear Ma’am or Sir, Please excuse me for being absent today because my father is sick and no one is going to guide him. School is always permanent but my father’s life is just once.”

Sabi sa ulat, sinabi ng uploader na ibinahagi niya ang nakakatouch na excuse letter ni Lomboy upang ipaalam sa marami kung paano inaalagaan nito ang kanyang ama.

Umabot sa 34,000 ang reactions ng viral post na ito at 38,000 naman ang shares sa Facebook.

Maraming netizens ang naka-relate at namiss ang kanilang mga tatay dahil sa post na ito.

"Nakakita na naman ako ng ganto FAMILY FIRST."

"Nakakatouch naman."

"Kaya sa mga may tatay pa jan ingatan nyo sila hanggat nabubuhay pa sila ako kc wala na si papa miss na miss ko na siya ng sobra sobra kaya ingatan at mahalin niyo ang mga magulang niyo ng buong buo."

"I would do the same thing."

"malinaw pa din yung pagkakaintindi ko sa sakit na nararamdaman Niya."

"Kmjs feature nyo po plssss."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone