Composer ng "Manok na pula", inireklamo ang YouTuber sa pag-aangkin di umano ng kanyang kanta
- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang nagpakilalang orihinal na composer ng sikat na kantang "Manok na pula"
- Isang YouTuber o vlogger ang di umano'y umaako sa kanta
- Pangamba kasi ng 'composer' na baka pinagkakakitaan na ng vlogger ang kanta na di naman sa kanya
- Nang kapanayamin naman ni Tulfo ang vlogger, sinabi nitong binigyan naman niya ng credits ang totoong sumulat ng kanta
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang nagpakilalang composer ng kantang "Manok na pula" na pinasakit ng isang batang babae sa viral video.
Nalaman ng KAMI na Joemarie Torillo ang pangalan ng composer na isang security guard mula sa Bacolod city.
Ayon kay Joemarie, tila inaangkin ng YouTuber na si Vic Desucatan ang kanyang kanta dahil di umano siya nito binibigyan na tamang credits.
Bilang patunay na siya ang tunay na composer, kinuwento ni Joemarie ang kanyang naging inspirasyon para gawin ang kanta.
Lagi raw umanong nag-aaway ang mga kapitbahay nilang mag-asawa dahil sa pagsasabong ng mister.
Doon nabuo ang kantang "Manok na pula" sa saliw ng musika ni Anne Murray na "Just another woman in love."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nang kapanayamin na ni Idol Raffy si Vic, ang inirereklamo ni Joemarie, nilinaw niyang di naman niya inaangkin iyong kanta ni Joemarie.
Mayroon na kasing 14 million views ang video ni Vic. Ngunit nilinaw ni Vic na wala siyang kita sa video dahil sa inireklamo di umano siya ng partido ng orihinal na singer ng kanta na si Anne Murray.
Ayon naman kay Joemarie, di naman daw niya habol ang kita o pera, nais lamang niyang humingi sa kanya ng tawad si Vic sa paggamit umano ng kanta.
Ginawa naman ito ni Vic at napatawad na rin siya ni Joemarie. Nagpasalamat naman siya kay Vic na dahil din sa kanya, mas sumikat ang kanyang kanta.
Mayo 2018 nang mai-upload ni Joemarie at kanyang kaibigan ang video ng "Manok na pula" na bunga lamang daw ng katuwaan.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh