Aswang attack? Ilang biktima ng lindol, nagkwento sa pag-atake raw ng "wakwak"
- Ilang residente sa Magsaysay, Davao del Sur ang nagsabi na may pag-atake raw ng "wakwak" o isang uri ng Philippine mythical creature sa kanilang lugar
- Ayon sa isang residente, nagulat na lamang siya nang paggising niya ay mayroon na itong mga kalmot sa katawan
- Habang ang iba naman ay nagsabing nakita nila ang "wakwak"
- Ganunpaman, nagbigay naman ng babala ang pulisya kaugnay nito na posible raw isang modus
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Matapos ang lindol na tumama sa kanilang lugar, aswang naman umano ang umaatake sa isang lugar sa Magsaysay, Davao del Sur.
Ayon sa ulat ng SunStar, ilang residente ang nagsabi na inatake raw ng "wakwak" ang isang lalaki sa kanilang lugar nang minsan itong makatulog sa labas ng kanilang bahay.
Nagulat daw si alyas Ditmer, 19-anyos, nang paggising niya ay puno na ng mga kalmot ang kanyang mga braso.
Habang ang residente naman na si Jayvie ay nakita umano ang isang malaking itim na ibon at mayroong mga pulang mata noong November 10. Ang mga pakpak daw nito ay isang metro ang haba.
Samantala, ayon naman sa residente na si Joy mula sa Barangay Poblacion, ang sinasabi umanong "wakwak" ay isang babae na kayang magpalit ng anyo bilang isang aso o pusa.
Mula nang kumalat ang balitang ito, natakot na raw ang mga residente sa lugar na matulog mula sa mga tents na kanilang pansamantalang tinutulugan dahil sa lindol.
Ganunpaman, nagbabala naman ang Magsaysay police kaugnay nito na posible raw isa lang modus ng mga kawatan.
Ang "wakwak" ay isang Philippine mythical creature na kalimitang inilalarawan na "bird-like vampire".
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI
Source: KAMI.com.gh