68-anyos na nagtatrabaho pa rin sa gasolinahan, nabiyayaan ng tulong dahil sa viral post
- Muli na namang nagbigay ng tulong ang Syrian vlogger na si Basel Manadil
- Kamakailan ay nag-viral ang post ng isa sa mga naging customer ng 68-anyos na nagtatrabaho pa rin sa gasolinahan
- Nakuha nito ang atensyon ni Basel kaya sinadya niya talaga ang lolo upang mabiyayaan ng tulong
- Nagpahangin siya ng gulong upang maging customer ng lolo at biniro niya ito na kung maaari ay libre na ang pinagawa
- Ang di alam ng lolo, isang surpresa ang nilaan ng vlogger para sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang post tungkol sa 68-anyos na lolo na nagagawa pa ring magtrabaho sa isang gasoline station.
Nalaman ng KAMI na unang binahagi ng netizen na si Kewol Oro ang mga larawan ng lolo na nakapukaw naman ng atensyon ni Basel Manadil o mas kilala bilang The Hungry Syrian Wanderer sa kanyang vlog.
Sinadya ni Basel ang gasoline station kung saan nagtatrabaho ang lolo at laking gulat niyang malapit ito sa dati niyang tinirahan.
Sa una'y nagkunwaring customer lamang si Basel na magpapahangin ng gulong.
Doon daw kasi naka-assign si "Lolo Bro" kaya't habang nakapila, pinagmamasdan na niya ito.
Bakas daw sa matanda ang hirap sa kanyang ginagawa ngunit dala marahil ng matinding pangangailangan, naroon pa rin siya at naghahanapbuhay.
Habang pinahahanginan na ni Lolo Bro ang gulong ng sasakyan ni Basel, nakakwentuhan niya ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Doon niya nalaman na 47 na taon na siyang nagtatrabaho roon. Kahit dalawang taon na siyang nagretiro, bumabalik pa rin siya sa gasolinahan upang umextra.
Hanggang sa maibalik muli sa kanya ang kanyang uniporme at nilagay na lamang siya sa paghahangin ng mga gulong.
Nagulat ang lolo nang bigyan siya ni Basel ng ₱1,000 kada gulong bilang tip.
Ang hindi alam ni Lolo Bro, may nakahanda pa ang Syrian vlogger ng iba pang mga tulong para sa kanya.
Bakas sa mukha ng matanda ang kasiyahan sa natanggap na biyaya. At dahil muling nag-viral ang post ni Basel, dumami ang nagnais magpaabot ng tulong para sa masipag na si Lolo bro.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh