Piolo Pascual, sumabak sa 'Totropahin o Jojowain Challenge'

Piolo Pascual, sumabak sa 'Totropahin o Jojowain Challenge'

- Sumabak sa nauusong challenge na '"Totropahin o Jojowain Challenge" si Piolo Pascual

- Kasama niya si Alessandra de Rossi at Joyce Bernal sa kanyang video na ibinahagi sa kanyang YouTube channel

- Pinabunot siya ni Alessandra ng mga papel na may nakasulat na mga pangalan ng babaeng artista

- Kabilang sa mga pangalang kanyang nabunot ay sina Kim Chiu, Shaina Magdayao, KC Concepcion, Judy Ann Santos, at marami pang iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpahuli si Piolo Pascual at sumabak na rin sa isa sa pinakausong challenge sa mga vloggers at celebrities ngayon, ang 'Totropahin o Jojowain Challenge.'

Ibinahagi niya ang video kung saan kasama niya si Alessandra de Rossi at Joyce Bernal. Unang nabunot ay ang pangalan ni Regine Velazquez na isa sa kasamahan ni Piolo sa 'ASAP Natin 'To.'

Paliwanag ni Piolo, pamilya ang turing niya sa singer kaya totropahin niya daw ito.

Ang aktres naman daw na si Kim Chiu ay jojowain niya. Pareho niya naman daw totropahin at jojowain si Bella Padilla.

Hindi naman masabi ni Piolo kung jojowain o totropahin si Catriona Gray dahil daw sa respeto niya para sa dalaga.

Isa din si Shaina Magdayao sa pangalang nabunot. Ang aktres ang napapabalitang karelasyon diumano ni Piolo Pascual. Gayunpaman, ayon sa kanila ay malapit na magkaibigan lamang daw sila.

Ayon naman kay Piolo, jojowain niya si Shaina at "labs niya daw" and dalaga.

Bigla naman siyang hinampas ni Alessandra sabay sabing "Ba't di mo ginawa?"

Sunod na binunot ni Alessandra ay papel na may nakasulat na pangalang KC Concepcion. Si KC at Piolo ay dating magkarelasyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila ayaw basahin ng aktor ang pangalan at sinabing walang nakasulat. Nang akmang lalapit si Joyce para tingnan ang papel, nilagay agad ni Piolo ang papel sa loob ng kanyang bunganga. Nagtawanan silang lahat kasunod ng ginawa ni Piolo.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang kanilang naging hiwalayan nang emosyonal na ibinunyag ni KC na hiwalay na sila.

Sa naunang ulat, ibinunyag ni Maricel Soriano ang mga katangian ni Piolo Pascual na dapat diumanong tularan ng mga baguhan sa showbiz.

Si Piolo Pascual ipinanganak noong January 12, 1977 sa lunsod ng Maynila. Si Piolo Jose Pascual sa totoong buhay ay nakilala sa mga pelikulang Don't Give Up on Us (2006), Silong (2015) at Dekada '70 (2002).

POPULAR: Read more about Piolo Pascual here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

When the news broke that Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo were engaged, netizens went wild and were excited for their idols. Learn more about this on Kami's video on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel