5 ulo ng tao, natagpuang nakatali sa dalampasigan; umano'y mga miyembro ng "vaccine cards
US

5 ulo ng tao, natagpuang nakatali sa dalampasigan; umano'y mga miyembro ng "vaccine cards

  • Limang ulo ng tao ang natagpuan sa isang beach sa Ecuador na may kasamang nakakatakot na babala
  • Iniugnay ng pulisya ang insidente sa marahas na sagupaan ng magkaribal na gang
  • May iniwang mensahe na nagbabanta laban sa pangingikil sa mga mangingisda
  • Patuloy ang paglala ng karahasan sa bansa dahil sa mga sindikatong sangkot sa droga

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Natagpuan ang limang putol na ulo ng tao sa isang beach sa Puerto Lopez, Ecuador noong Linggo, Enero 11.

Ayon sa pulisya, nakatali ang mga ulo sa mga poste na gawa sa kahoy sa isang kilalang tourist spot na dinarayo ng mga nanonood ng balyena.

May nakita ring karatula malapit sa lugar na may babalang mensahe. Nakasaad dito na kontrolado na umano ng isang grupo ang bayan at binalaan ang mga taong sangkot sa pagnanakaw sa mga mangingisda at pangingikil gamit ang tinatawag na vaccine cards.

Sa Ecuador, ang vaccine cards ay tumutukoy sa uri ng pangingikil ng mga gang.

Read also

Government employee na nag-viral matapos manakit ng kapwa motorista, pinapatawag ng LTO

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi ng mga awtoridad na ang insidente ay may kaugnayan sa madugong labanan ng mga magkaribal na grupo. Noong Disyembre, siyam na katao na kabilang ang isang sanggol ang napatay sa parehong beach sa hiwalay na insidente ng karahasan.

Batay sa datos ng Ecuadorian Observatory of Organized Crime, itinuturing ang 2025 bilang pinaka-marahas na taon sa bansa. Umabot sa 52 kada 100,000 katao ang hom!cide rate, na pinakamataas sa kasaysayan ng Ecuador.

Ipinangako ni Pangulong Daniel Noboa na lalabanan ang mga kriminal na organisasyon na konektado sa international drug cartels. Gayunman, hindi pa rin bumababa ang bilang ng mga pagpatay kahit may dalawang taong kampanya ng militar.

Patuloy ang pagdami ng krimen sa Ecuador mula pa noong 2021. Malaki ang papel ng bansa bilang ruta ng droga sa pagitan ng Colombia at Peru, na nagiging dahilan ng matinding tunggalian ng mga gang para sa kontrol sa ilegal na kalakalan.

Basahin ang naisulat na balita ng PhilSTAR Life upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa ulat na ito:

Read also

Binata, sinaksak sa riot na kinasangkutan ng 67 kabataan

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: