Male singer, namatay sa plane crash ilang oras lang bago ang kanyang concert
- Pumanaw ang Colombian singer-songwriter na si Yeison Jimenez sa isang plane crash ilang oras bago ang kanyang concert
- Anim ang nasawi sa aksidente, kabilang ang mang-aawit at mga kasamahan niya
- Papunta sana sa Medellín ang grupo para sa nakatakdang pagtatanghal
- Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Pumanaw ang kilalang Colombian singer-songwriter na si Yeison Jimenez matapos masangkot sa isang plane crash ilang oras bago ang kanyang nakatakdang concert. Siya ay 34 taong gulang.
Kinumpirma ng kinatawan ng mang-aawit ang kanyang pagpanaw at sinabi na labis ang lungkot ng buong organisasyon at team ni Jimenez.
Ayon sa pahayag, hindi lamang isang artista ang kanilang pinapaalam kundi isang anak, kapatid, kaibigan, at taong puno ng pangarap na nagsilbing inspirasyon sa marami.
Ayon sa Special Administrative Unit of Civil Aeronautics ng Colombia, bumagsak ang isang eroplano na may rehistrasyong N325FA noong Sabado, Enero 10.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nangyari ang aksidente sa lugar sa pagitan ng Paipa at Duitama ilang sandali matapos ang pag-takeoff. Lahat ng anim na sakay ng eroplano ay nasawi.
Bukod kay Jimenez, kabilang sa mga pumanaw sina Jefferson Osorio, Juan Manuel, Oscar Marín, Weisman Mora, at ang piloto na si Captain Fernando Torres.
Papunta sana sa Medellín ang mang-aawit at ang kanyang team para sa isang concert noong gabing iyon. Dahil sa trahedya, hindi na natuloy ang nasabing pagtatanghal.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
Wala pang inilalabas na opisyal na detalye kaugnay sa pinagmulan ng aksidente.
Si Yeison Jimenez ay isa sa mga kilalang pangalan sa music scene ng Colombia.
Ayon sa Billboard, siya ang kauna-unahang Colombian artist na naka-sold out ng tatlong beses sa Movistar Arena sa Bogotá. Napuno rin niya ang El Campín Stadium noong 2024 at 2025.
Iniwan ni Jimenez ang kanyang asawa at tatlong anak.
Ang kanyang biglaang pagpanaw ay nagdulot ng matinding lungkot sa kanyang pamilya, mga tagahanga, at sa buong industriya ng musika.
Basahin ang ulat na nailathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito:
Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

