5-anyos na anak ng sikat na influencer, namatay dahil sa kumplikasyon sa flu
- Isang influencer sa US ang nagbalita tungkol sa pagpanaw ng kanyang limang taong gulang na anak
- Ayon sa kanya, lumaban ng 11 araw ang bata matapos tamaan ng malubhang trangkaso
- Umabot sa milyon ang mga nakakita sa updates tungkol sa kalagayan ng bata
- Samantala, umani naman ng dasal at suporta mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang pamilya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Ibinahagi ng isang influencer sa Estados Unidos ang masakit na balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang limang taong gulang na anak matapos magkaroon ng malubhang trangkaso.
Si Paul Kim ang nagbahagi ng anunsyo sa pamamagitan ng dalawang video sa Instagram.
Ayon kay Kim, pumanaw ang kanyang anak na si Micah noong Disyembre 31 matapos ang 11 araw na pakikipaglaban sa ospital.
Sa video, sinabi niyang ito ang pinakamahirap na pinagdaanan niya bilang ama. Dagdag pa niya, maraming tao ang naantig sa naging kwento ng kanyang anak.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagpasalamat din si Kim sa mga taong patuloy na nagdasal at sumuporta sa kanilang pamilya.
Ibinahagi niya na sa loob lamang ng dalawang linggo, milyon-milyon ang nakakita ng mga update tungkol kay Micah. Aniya, nakatanggap sila ng dasal mula sa iba’t ibang bansa.
Sa huling mga araw ni Micah, sinabi ni Kim na nakipag-ugnayan sila ng kanyang asawa sa mga doktor at iba pang eksperto upang mabigyan ng mas mahabang oras ang kanilang anak.
Ayon sa kanya, ginawa nila ang lahat ng makakaya bilang mga magulang.
Noong Disyembre 22, ibinahagi ni Kim na isinugod sa ospital si Micah matapos magkaroon ng medical emergency.
Humingi siya ng dasal para sa paggaling ng bata at mula noon ay halos araw-araw na siyang nagbigay ng update.
Kalaunan, inilagay sa life support si Micah matapos ipakita ng scans na wala nang brain activity.
Noong bisperas ng Pasko, sumailalim siya sa operasyon para pigilan ang pagdurugo sa dibdib. Bagama’t naging stable ang kanyang vital signs, patuloy pa ring umaasa ang pamilya.
Sa ika-10 araw, sumailalim si Micah sa brain death tests at wala nang naging tugon. Kinabukasan, pumanaw ang bata.
Si Kim ay may mahigit 360,000 followers sa Instagram at kilala sa pagbabahagi ng kanyang pananampalatayang Katoliko. May lima pa siyang anak kasama ang kanyang asawa.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also
Dating sekyu at naging magsasaka, nagtapos ng kolehiyo sa edad na 69 at board passer sa edad na 72
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

