Pinay nurse, namatay sa road accident sa California
US

Pinay nurse, namatay sa road accident sa California

  • Isang Filipina nurse ang nasawi matapos mabangga ng kotse sa labas ng isang medical center sa California
  • Nangyari ang insidente malapit sa emergency room parking lot ng Sacramento VA Medical Center
  • Kinilala ang biktima bilang si Novyrose Mejia, isang staff ng UC Davis Health
  • Nagtayo ng GoFundMe ang pamilya para sa gastusin sa ospital at libing
Trending News Tracker on Facebook
Trending News Tracker on Facebook
Source: Facebook

Isang Filipina nurse ang namatay matapos siyang mabangga ng isang kotse sa labas ng isang medical center sa California.

Ayon sa Sacramento County Sheriff’s Office, papasok ang sasakyan sa emergency room parking lot ng Sacramento VA Medical Center nang mangyari ang insidente noong nakaraang weekend.

Matapos mabangga, tumama ang ulo ng biktima sa lupa.

Agad siyang dinala sa emergency room ng nasabing medical center bago inilipat sa UC Davis Medical Center.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng pagsisikap ng mga doktor, idineklara siyang patay sa naturang ospital.

Kinilala ng UC Davis Health Department ang nurse bilang si Novyrose Mejia.

Read also

Lalaki, nag-amok sa isang paaralan sa Aklan; 5 sugatan

Sa pahayag na ipinadala sa FOX40, sinabi ng pamunuan na labis nilang ikinalulungkot ang pagpanaw ng isang minamahal at masipag na nurse.

Ibinahagi rin ng UC Davis Health na kilala si Mejia bilang isang taong may malasakit sa pasyente at sa kaniyang pamilya.

Ayon sa kaniyang mga kasamahan, isa siyang masipag, maunawain, at laging inuuna ang kapakanan ng mga inaalagaan niya.

Samantala, nagtayo ang pamilya ni Mejia ng isang GoFundMe page upang makatulong sa gastusin sa ospital at sa kaniyang libing.

Sa pahayag ng pamilya, inilarawan siya bilang isang asawa, ina, kapatid, at dedikadong nurse sa UC Davis at Sacramento VA.

Ayon pa sa pamilya, namuhay si Mejia na may malalim na pananampalataya, malasakit, at serbisyo sa kapwa.

Bilang isang debotong Katoliko at nurse, inialay niya ang kaniyang buhay sa pag-aalaga at pagtulong sa iba.

Iniwan ni Mejia ang kaniyang asawang si Virgilio at ang kanilang dalawang anak na lalaki.

Basahin ang artikulo na nailathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa istoryang ito.

Read also

Kiray Celis, may pasilip sa bonggang honeymoon nila ni Stephan Estopia sa Amanpulo

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: