Sikat na food influencer, binaril at napatay ng mga pulis
US

Sikat na food influencer, binaril at napatay ng mga pulis

  • Nasawi ang food influencer na si Michael Duarte matapos barilin ng mga pulis sa Texas
  • Tinawag siya sa social media bilang “FoodWithBearHands” at may higit 2 milyong followers
  • Ayon sa pulisya, naglabas siya ng patalim at nagbanta sa isang deputy bago barilin
  • Naiwan niya ang kanyang asawa at anim na taong gulang na anak
cottonbro studio on Pexels
cottonbro studio on Pexels
Source: Original

Pumanaw ang food influencer na si Michael Duarte, kilala online bilang “FoodWithBearHands,” matapos barilin ng mga pulis sa Texas ilang araw lang matapos ang anibersaryo ng kasal nila ng kanyang asawa.

Ayon sa ulat ng Medina County Sheriff’s Office, nakatanggap ng tawag ang mga awtoridad tungkol sa isang lalaking may dalang kutsilyo at kumikilos nang marahas.

Sa pagresponde ng mga pulis, ilang beses nilang inutusan ang lalaki na humiga sa lupa. Sa halip, hinarap daw ni Duarte ang isang deputy at sumigaw ng “I’m going to kill you!” habang papalapit sa opisyal.

Dahil dito, napilitang magpaputok ng dalawang beses ang deputy. Agad na binigyan ng tulong medikal si Duarte bago dalhin sa ospital, ngunit idineklara siyang patay pagdating doon.

Read also

Pulis na nangholdap ng convenience store at napatay ng kapwa pulis, gipit umano sa pera

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kumalat online ang balita ng kanyang pagkamatay matapos gumawa ng GoFundMe page ang kanyang pamilya para sa gastusin sa libing.

Sa paglalarawan ng page, nakasaad na siya ay nasawi sa isang “malagim na aksidente.”

Si Duarte ay may higit dalawang milyong tagasubaybay sa Instagram, Facebook, TikTok, at YouTube.

Nakilala siya sa paggawa ng mga cooking videos, lalo na sa mga video kung saan nag-iihaw siya ng pagkain gamit ang kamay.

Naiwan niya ang kanyang asawa na si Jessica at anak nilang anim na taong gulang na si Oakley.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Kiray Celis, nagpaliwanag ukol sa viral photo sa Japan prenup shoot

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: