Babae, biglang namatay habang nasa loob ng eroplano sa kalagitnaan ng kanyang international flight
- Isang babae ang natagpuang walang malay sa loob ng international flight at binawian ng buhay habang nasa eroplano pa
- Dahil sa insidente, napilitang mag-emergency landing ang eroplano sa Northwest Canada
- Ayon sa mga awtoridad, isinugod pa sa ospital ang babae ngunit idineklarang patay ng mga doktor
- Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga pulis at Coroner’s Service ang insidente
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Isang 34-anyos na babae ang namatay sa loob ng eroplano habang nasa biyahe, dahilan para mag-emergency landing ang flight sa Northwest Canada.
Ayon sa pahayag ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP), nakatanggap sila ng ulat noong Oktubre 5 bandang 9:45 a.m. tungkol sa isang pasaherong walang malay sa flight KLM601 na napilitang lumapag sa Yellowknife Airport.
Paglapag ng eroplano, agad na dinala ang babae sa ospital.
Sinubukan pa siyang iligtas ng mga rescuer at medical team ngunit idineklarang patay rin ng mga doktor.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Wala pang ibinibigay na ibang detalye ang RCMP tungkol sa pagkakakilanlan ng babae habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kasama ang Coroner’s Service.
Ayon sa ulat ng CBC na batay sa FlightAware, ang KLM Royal Dutch Airlines flight ay patungo sana sa Los Angeles galing Netherlands.
Samantala, nitong unang bahagi ng taon ay may katulad ding insidente sa Jeju Air flight mula Pilipinas papuntang Incheon, South Korea.
Noong Hunyo 1, isang sanggol ang ipinanganak sa loob ng eroplano ngunit hindi na humihinga nang dumating ang mga emergency responder.
Batay sa ulat ng Incheon International Airport Police Corps, isinugod ang sanggol sa ospital ngunit idineklarang patay din.
Kasama ng sanggol sa biyahe ang mga magulang, lola, at tiyahin—na pawang mga Pilipino.
Ang kanilang flight ay umalis sa Clark International Airport at lumapag sa Incheon bandang 6:21 a.m.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh