Binatilyo, patay matapos mapagkamalang hayop ng kapwa niya mangangaso
US

Binatilyo, patay matapos mapagkamalang hayop ng kapwa niya mangangaso

  • Binatilyo sa Iowa, USA, nabaril ng kasamang mangangaso na napagkamalan siyang squirrel
  • Ang biktima ay nakilalang si Carson Ryan, 17 anyos mula Washington
  • Samantala, ang Washington High School track and field team ay nagluksa sa biglaang pagkawala ng kanilang atleta
  • Isang GoFundMe ang inilunsad para tulungan ang pamilya sa gastusin sa burol at pagdadalamhati

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Tima Miroshnichenko on Pexels
Tima Miroshnichenko on Pexels
Source: Original

Isang trahedya ang naganap sa Iowa matapos mabaril ang 17-anyos na si Carson Ryan habang nangangaso.

Ayon sa ulat ng Iowa Department of Natural Resources noong Setyembre 29, kasamahan niya mismo ang nakabaril sa kanya sa ulo matapos mapagkamalan siyang squirrel.

Agad siyang dinala sa pinakamalapit na ospital ngunit hindi na siya nailigtas.

Malalim ang kalungkutan ng kanyang mga kaklase at ka-teammates sa Washington High School track and field team.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa Facebook post ng grupo, humiling sila ng panalangin para sa ina, pamilya, at mga naiwan ni Carson.

Anila, wasak ang kanilang puso sa pagkawala ng isang mabuting kaibigan at atleta.

Read also

Upang matulungan ang pamilya, sinimulan ang isang GoFundMe campaign.

Layunin nitong maibsan ang bigat ng gastusin para sa memorial at mabigyan ng kaunting kapanatagan ang pamilya habang nagdadalamhati.

Sa paglalarawan kay Carson, inilarawan siya bilang mabuting anak, kaibigan, at isang liwanag para sa lahat ng nakakakilala sa kanya.

Maraming tao ang nadama ang kanyang kabutihan, pagpapatawa, at pagiging totoo. Ngayon, isang malaking puwang ang iniwan ng kanyang biglaang pagpanaw.

Patuloy ang suporta at panalangin mula sa mga kaibigan, kaklase, at komunidad para sa pamilya ni Carson sa gitna ng matinding pagsubok na ito.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: