Gamer na YouTuber, namatay 9 na araw bago ang kanyang ika-22 na birthday
US

Gamer na YouTuber, namatay 9 na araw bago ang kanyang ika-22 na birthday

  • Pumanaw na si La’tayvia Deshay Ransom o Tayta Games ilang araw bago ang kanyang kaarawan
  • Ang ama niyang si Elton Dirt Ransom ang nagkumpirma ng balitang ito sa social media
  • Namatay siya matapos lumala at kumalat ang colon cancer hanggang atay
  • May mahigit isang milyong followers siya sa YouTube, TikTok, at Instagram, at kalimitan sa mga content niya ay gaming

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tayta Games on YouTube
Tayta Games on YouTube
Source: Youtube

Si La’tayvia Deshay Ransom, mas kilala bilang Tayta Games sa YouTube, ay pumanaw ilang araw bago ang kanyang kaarawan.

Siya ay 21 taong gulang. Kinumpirma ng kanyang ama na si Elton Dirt Ransom ang balita sa social media.

Ayon sa kanya, lumala ang colon cancer ng kanyang anak at kumalat ito sa atay bago siya pumanaw.

Dagdag niya, sana ay nakaabot pa si Tayta sa kanyang ika-22 kaarawan na siyam na araw na lang ang hinihintay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinahagi ng ama na halos isang linggo siyang nasa ospital, nananalangin at umaasa ng magandang resulta.

Read also

Stand-up comedians, nag-iyakan sa tribute concert para kay Ate Gay

Aniya, “Damn, I just can’t believe I lost my child.”

Nagbigay din ng tribute ang kapatid ni Tayta sa Instagram. Tinawag niya itong “sweetest” at “funniest” na tao.

Dagdag pa niya, sa oras na siya’y mag-astral project, maglalakbay sila ng kanyang ate sa iba’t ibang dimensyon.

Binigyan din niya ito ng bansag na “immortal warrior.”

Sikat si Tayta Games dahil sa kanyang nakakaaliw na reaksyon sa paglalaro ng video games gaya ng Minecraft at Dress to Impress.

Nakakuha siya ng higit isang milyong followers sa YouTube, TikTok, at Instagram.

Bago siya pumanaw, naging bukas si Tayta tungkol sa kanyang laban sa colon cancer.

Noong nakaraang taon siya unang na-diagnose at mula noon ay palagi niyang ina-update ang kanyang mga tagasuporta tungkol sa kalagayan niya.

Sa kanyang pagpanaw, nag-iwan siya ng inspirasyon at alaala sa kanyang mga fans.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also

Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

111 anyos na volunteer worker, nakibaka sa Trillion Peso March kontra korapsyon

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: