Babaeng nanganak, hindi daw alam na buntis pala siya
- Isang babae sa Virginia ang nagulat nang manganak siya nang hindi alam na buntis pala siya
- Dinala ang babae sa ospital dahil sa matinding sakit sa likod
- Akala ng doktor ay kidney stones o cyst, pero ulo ng sanggol pala ang lumabas
- Ipinanganak niya si Carlee Evangeline kahit may fertility issues dahil sa PCOS
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Si Becca Johnson mula Virginia ay nagulat nang manganak siya kahit hindi niya alam na buntis pala.
Sa isang panayam, ibinahagi niya na dinala siya sa emergency room matapos magising na sobrang sakit ang kanyang likod.
Hirap siyang umupo at kalaunan ay kumalat na rin ang sakit sa kanyang harap.
Ayon sa kanya, inisip ng mga doktor na maaaring kidney stones o cyst ang dahilan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Habang nasa ospital, sinabi niya sa nurse na may naramdaman siyang kakaiba sa pagitan ng kanyang mga hita.
Nang silipin ito ng nurse, sinabi nitong ulo iyon ng sanggol.
Natahimik siya at halos hindi makapagsalita sa sobrang gulat, gayundin ang kanyang asawa na nagulat din sa pangyayari.
Sa huli, nanganak siya sa stretcher at isinilang ang kanyang anak na si Carlee Evangeline.
Ibinahagi ni Johnson na wala siyang naramdamang senyales ng pagbubuntis.
Mayroon din siyang kondisyon na PCOS o polycystic ovary syndrome na nakakaapekto sa hormones at maaaring magdulot ng irregular na regla, sobrang pagtubo ng buhok, acne, at hirap magbuntis.
Dahil dito, hindi niya inakala na magkakaanak pa siyang muli.
Ngayon, masayang ibinahagi ni Johnson na isa na siyang ina ng tatlong anak.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Read also
11-anyos na estudyante, sinugod sa hospital matapos gumawa ng homework sa loob ng diretsong 14 oras
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh