Mag-asawa, kinulong umano ang anak sa banyo at ikinadena sa tabi ng inidoro sa loob ng 6 na taon
- Mag-asawa sa New Jersey, US, kinasuhan ng matinding pang-aabuso at pagkulong sa kanilang anak sa loob ng anim na taon
- Ang biktima, ngayon 18-anyos, ay pinilit umanong tumira sa dog crate, banyo na naka-padlock, at minsan ay kwarto na walang laman
- Inireklamo rin ng dalaga ang paulit-ulit na pananakit at pang-aabuso mula sa kanyang stepfather
- Naaresto ang mag-asawa matapos makatakas ang biktima noong Mayo sa tulong ng isang kapitbahay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Kinasuhan ng kidnapping, aggravated assault, at child endangerment ang mag-asawang sina Brenda Spencer, 38, at Branndon Mosley, 41, matapos ang umano’y anim na taong pang-aabuso sa kanilang anak.
Lumabas sa imbestigasyon na simula pa 2018, pinilit nilang mag-dropout sa school ang dalaga at ipiniit sa kanilang bahay.
Sa umpisa ay pinatira siya sa isang dog crate nang halos isang taon at kalaunan ay sa isang banyo na naka-padlock kung saan siya nakatali sa inidoro.
Sinabi ng biktima na minsan ay inilalabas lang siya kapag may bisita. Naranasan din niya na itago sa kwarto na walang gamit kundi isang timba kapalit ng palikuran.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Inireklamo rin niya na sinasaktan siya gamit ang sinturon at inaabuso ng kanyang stepfather. Nang siyasatin ng mga awtoridad, natuklasang nakatira siya kasama ang maraming aso at iba pang hayop.
Kasama rin sa bahay ang isa pang 13-anyos na tinanggal din sa eskwela. Nakaligtas ang dalaga noong Mayo 8 matapos tumakas at humingi ng tulong sa kapitbahay.
Kapwa itinanggi ng mag-asawa ang mga paratang. Ayon sa mga piskal, posibleng makulong si Spencer ng hanggang 30 taon habang si Mosley ay habambuhay kung mapatunayang guilty.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh