Sikat na conservative activist at influencer, patay matapos barilin sa leeg habang nasa event
- Patay si Charlie Kirk, konserbatibong aktibista at co-founder ng Turning Point USA, matapos barilin sa isang event sa Utah Valley University
- May magkaibang pahayag ang mga opisyal: ayon kay Gov. Spencer Cox, may person of interest na hawak, pero sabi ng Commissioner of Public Safety, nakatakas pa rin ang suspek
- Mismong si dating Pangulong Donald Trump ay nagbigay ng pakikiramay at inilarawan si Kirk bilang mahal at hinangaan ng marami
- Kinondena ng mga opisyal mula sa iba’t ibang partido ang pamamaril at nanawagan laban sa karahasang pulitikal
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Facebook
Si Charlie Kirk, 31, ay binaril habang nasa isang programa sa Utah Valley University bilang bahagi ng kanyang "The American Comeback Tour."
Ayon sa unibersidad, isang putok ng baril bandang tanghali na tumama kay Kirk habang nagsasalita siya sa isang debate na tinawag na "Prove Me Wrong."
Agad na pinalikas ng pulisya ang mga tao sa gusali, habang patuloy ang imbestigasyon.
Nagbigay ng pahayag si Gov. Spencer Cox na may hawak na silang person of interest, ngunit ayon kay Public Safety Commissioner Beau Mason, patuloy pang pinaghahanap ang suspek.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sinabi ni Cox na sisiguraduhin nilang mahuhuli at mapaparusahan ang responsable, at iginiit pa niya na may death penalty pa rin sa Utah.
Dagdag pa niya, hihingi sila ng tulong sa publiko para makakuha ng impormasyon sa pamamaril.
Ayon kay Mason, may nakuha silang lead mula sa security footage at maaaring nagmula ang putok sa bubong ng isang gusali sa campus.
Samantala, nagbigay ng pakikiramay si dating Pangulong Donald Trump sa social media, tinawag si Kirk na dakila at hinangaan lalo na ng kabataan.
Kinilala niya ang yumaong asawa bilang isang taong mahal ng marami, at nagpaabot siya ng dasal para sa pamilya nito, lalo na sa asawang si Erika.
Ang pagkamatay ni Kirk ay nagdulot ng malaking lungkot at pagkondena mula sa iba’t ibang sektor.
Tignan ang Facebook post sa ilalim:
Si Charlie Kirk ay isang Amerikanong konserbatibong aktibista at tagapagtatag ng Turning Point USA, isang organisasyong pangkabataan na layong palaganapin ang mga konserbatibong ideya sa mga kolehiyo at unibersidad sa Estados Unidos. Kilala siya bilang malakas na tagasuporta ni dating Pangulong Donald Trump at madalas na lumalabas sa mga konserbatibong pahayagan at programa upang ipahayag ang kanyang mga pananaw sa pulitika, lipunan, at ekonomiya. Aktibo rin si Kirk sa social media kung saan ginagamit niya ito upang maabot ang mas maraming kabataan at hikayatin silang tanggapin ang konserbatibong prinsipyo. Sa kabila ng suporta na natatanggap niya mula sa ilang sektor, hindi rin siya ligtas sa mga kritisismo dahil sa kanyang matitinding pahayag at kontrobersyal na opinyon.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh