5 patay, kabilang mga Pinoy, sa pagbangga ng tourist bus sa New York highway
US

5 patay, kabilang mga Pinoy, sa pagbangga ng tourist bus sa New York highway

  • Lima ang nasawi matapos bumangga ang isang tourist bus sa highway sa New York, 25 milya silangan ng Buffalo
  • Mga biktima ay mula sa India, China, at Pilipinas, ayon sa awtoridad
  • Philippine Consulate General sa New York nagpaabot ng pakikiramay at nag-alok ng tulong sa mga Pilipino sa pamamagitan ng emergency hotline
  • 54 pasahero ang sakay ng bus, kabilang ang anim na Chinese nationals; lima ang nagtamo ng minor injuries at isa ang sumasailalim sa operasyon

Lima ang nasawi matapos bumangga ang isang tourist bus sa highway sa New York nitong Biyernes, ayon sa pulisya.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Getty Images

Ayon sa ulat, nangyari ang aksidente sa may 25 milya (40 kilometro) silangan ng Buffalo habang pabalik na ang mga turista sa New York City matapos bisitahin ang Niagara Falls.

Kinumpirma ng mga awtoridad na ang mga biktima ay mula sa India, China, at Pilipinas.

Sa isang advisory, sinabi ng Philippine Consulate General sa New York na “keeping in its thoughts and prayer” ang mga naapektuhan ng trahedya.

Read also

3 rider, patay matapos mahagip ng truck na nawalan umano ng preno; mga biktima, nahulog pa sa bangin

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa nito, patuloy silang nakabantay sa sitwasyon at handang tumulong sa mga Pilipinong apektado sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals Section emergency hotline na (917) 294-0196.

“It’s believed the operator became distracted, lost control, over-corrected and ended up... over there,” pahayag ni Major Andre Ray ng New York State Police, na nag-anunsyo ng bilang ng mga nasawi sa lugar ng aksidente.

Nilinaw rin niyang walang ibang pasahero ang nasa kritikal na kondisyon. Ilan ay sumailalim sa gamutan at agad ding pinalabas.

Batay sa ulat ng US media, nasa 54 katao ang sakay ng bus nang mangyari ang aksidente.

Nilinaw rin na walang batang kabilang sa mga nasawi, taliwas sa naunang briefing ng pulisya.

Ayon sa state broadcaster ng China na CCTV, anim na Chinese nationals ang sakay ng bus; lima ang nagtamo ng minor injuries at nakalabas na ng ospital, habang ang isa ay sumasailalim sa operasyon.

Ang biyahe ng bus ay galing Niagara Falls at pauwi na sa New York City nang mangyari ang malagim na aksidente sa highway malapit sa Pembroke.

Read also

Amerikanong pastor, iniimbestigahan sa Pampanga dahil umano sa pang-aabuso sa mga bata

News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable stories that people could easily understand and relate in their lives.

In other news, a 60-year-old Okayama teacher was fired for working part-time at a convenience store, violating Japan’s strict ban on secondary jobs for public school teachers, Bombo Radyo reported. The school principal confirmed the violation after personally visiting the store on the teacher’s rest day. The teacher admitted taking the job in November 2023 to supplement her reduced salary after being rehired post-retirement. The case sparked online debate over Japan’s prohibition on side jobs, with critics questioning its fairness for honorable, off-duty work.

Still in other news, the parents of two of the students injured by falling debris in Quezon City have issued a statement detailing their sons' conditions and calling for accountability. One son is in critical condition and requires surgery, while the other sustained injuries and is traumatized. The families are requesting an expedited investigation and plan to pursue legal remedies against those deemed negligent. The parents expressed gratitude for the support received and acknowledged the assistance of Quezon City Mayor Joy Belmonte and other local officials.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)