Mag-asawa, nagbenta ng tickets para sa guests na gustong dumalo sa kanilang kasal
- Isang mag-asawang Amerikano ang nagbenta ng “tickets” para sa kanilang kasal at nakalikom ng mahigit P7.5 milyon para sa charity
- Layunin nilang gawing makabuluhan at collaborative ang kasal, hindi lang isang gastusing event
- Lahat ng nalikom ay ibinigay sa Village Impact, isang organisasyon sa Kenya na tumutulong sa edukasyon ng kabataan
- Plano nilang bumalik sa Kenya sa 2026 kasama ang ilang bisitang tumulong sa fundraising
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Instagram
Mag-asawang Amerikano at podcaster na sina Marley at Steve Larsen ang nagpasya na hindi humingi ng regalo sa kanilang kasal.
Sa halip, hinikayat nila ang mga bisita na bumili ng ticket para sa event. Sa halagang $57 o P3,253, may kasamang seremonya, hapunan, sayawan, at live performances mula sa mga kilalang musikero.
May mas mahal na ticket na nagkakahalaga ng $997 para sa dalawang tao, kasama ang rehearsal dinner at iba pang wellness activities.
Mayroon ding VIP perks tulad ng priority seating at exposure sa wedding program.

Read also
77-anyos na babae, namatay habang nasa heart surgery matapos mawalan ng kuryente ang hospital
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Napuno ang venue ng mga taong talagang gustong makiisa sa kanilang layunin, dahil walang pressure o obligasyon na dumalo.
Sa pamamagitan ng silent auction, sales ng wedding merchandise, at social media, nakalikom sila ng $132,550 o higit P7.5 milyon.
Lahat ng ito ay ibinigay sa Village Impact, isang non-profit sa Kenya na nagbibigay ng edukasyon at tumutulong sa paglaban sa period poverty sa pamamagitan ng malinis na tubig at menstrual products.
Malapit sa puso ni Marley ang adbokasiya dahil sa kanyang laban sa cervical cancer noong 2022.
Noong 2023, bumisita sila sa Kenya upang tumulong magtayo ng paaralan at nakita nila mismo kung paano tinutulungan ng Village Impact ang mga komunidad sa sustainable at collaborative na paraan.
Balak nilang bumalik sa 2026 kasama ang ilang wedding guests upang ituloy ang proyektong nasimulan nila.
Aminado ang mag-asawa na may ilang bumatikos sa ideya ng pagbebenta ng ticket para sa kasal, pero nanindigan sila na ito ay desisyon mula sa puso at may malinaw na layunin.
Para sa kanila, walang perpektong kasal—ang mahalaga ay sumasalamin ito sa pagkatao ng magpapakasal at sa mga pinahahalagahan nila.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh