Magkapareha na YouTubers, namatay sa isang off-road accident
US

Magkapareha na YouTubers, namatay sa isang off-road accident

  • Magkasintahang YouTubers na sina Stacey Tourout at Matthew Yeomans, nasawi sa off-road accident sa bundok ng British Columbia
  • Ayon sa mga rescuer, bumagsak ang sasakyan ng halos 200 metro sa mabatong bahagi ng bundok
  • Isa sa kanila ang agad na nasawi, habang ang isa ay namatay sa ospital matapos magtamo ng malubhang sugat
  • Kilala ang dalawa sa kanilang channel na Toyota World Runners na may mahigit 204,000 subscribers at 77,000 Instagram followers
Toyota World Runners/@toyotaworldrunners on Instagram
Toyota World Runners/@toyotaworldrunners on Instagram
Source: Instagram

Pumanaw ang magkasintahang YouTubers na sina Stacey Tourout at Matthew Yeomans matapos masangkot sa isang trahedyang off-road accident sa bundok ng British Columbia noong Agosto 7, 2025.

Kinumpirma ng ina ni Stacey, si Colleen Tourout, ang malungkot na balita sa Facebook post noong Agosto 11.

Sinabi niyang labis ang kanilang sakit sa pagkawala ng dalawa na namatay sa lugar na malapit sa kanilang puso.

Ayon sa Kaslo Search and Rescue, nakatanggap sila ng tawag bandang alas-6:30 ng gabi para sa isang insidente sa forestry road patungo sa Trout Lake.

Read also

Tipak ng semento, bumagsak sa tatlong estudyante sa QC — dalawa kritikal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pagdating ng mga rescuer, natagpuan si Matthew (o Stacey) sa loob ng sasakyan na wala nang buhay.

Ang isa naman ay nakita sa may di kalayuan, sugatan at disoriented. Siya ay nadala sa ospital ngunit binawian ng buhay kinagabihan.

Paliwanag ng rescuers, posibleng nawalan ng kontrol ang sasakyan sa magaspang na daan at nahulog ito ng halos 200 metro sa mabatong bahagi, gumulong nang maraming beses bago tuluyang huminto.

Isa pang sasakyan ang kasabay nila at agad na tumulong at nagbigay ng eksaktong lokasyon sa rescuers, kaya mas mabilis silang natagpuan.

Ang dalawa ay kilala sa kanilang YouTube channel na Toyota World Runners na may mahigit 204,000 subscribers, kung saan ibinabahagi nila ang paglalakbay sa mga bundok, kagubatan, at canyon.

Mayroon din silang higit 77,000 followers sa Instagram.

Layunin ng kanilang content na magbigay inspirasyon kung paano makakahanap ng kasiyahan sa paglalakbay.

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Read also

Nakakalulang trahedya: rides sa festival tumirk; mga pasahero, nabitin patiwarik ng 20 minuto sa ere

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Pickup, sumalpok sa bakod ng tulay; 1 patay, 10 sugatan, 1 pasahero tumilapon

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: