Babaeng TV reporter, hinablutan ng cellphone habang naghahanda sa ulat; krimen, nakuhanan ng video
US

Babaeng TV reporter, hinablutan ng cellphone habang naghahanda sa ulat; krimen, nakuhanan ng video

  • Isang babaeng TV reporter sa Brazil ang muntik ma-holdap habang naghahanda para sa live report
  • Ang suspek ay sakay ng motorsiklo at sinubukang agawin ang kanyang cellphone
  • Nahulog ang phone pero mabilis itong nakuha pabalik ng reporter
  • Nakatakas ang suspek at patuloy siyang hinahanap ng mga pulis

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

PhilSTAR Life courtesy of Band Rio
PhilSTAR Life courtesy of Band Rio
Source: Original

Isang babaeng TV reporter sa Brazil ang muntik nang mabiktima ng holdap habang naghahanda siyang mag-live report, at nahuli pa ito sa kamera.

Habang inaayos ni Clara Nery mula sa Band Rio ang kanyang sarili para sa live broadcast, bigla siyang nilapitan ng lalaking nakamotorsiklo sa sidewalk at sinubukang agawin ang kanyang cellphone.

Nakwento ni Nery na nakatalikod siya nang biglang huminto ang lalaki at inabot ang kanyang phone.

Mabuti na lang daw at mahigpit ang hawak niya kaya hindi ito natangay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa video, makikita ang aktwal na tangkang pagkuha ng phone mula sa kamay niya.

Mabilis tumakas ang suspek, pero nahulog ang cellphone sa lupa at agad itong nakuha muli ni Nery.

Read also

Rufa Mae Quinto, nakiusap sa publiko ukol sa pagpanaw ng mister niya: "For the sake of our daughter"

Napansin din niyang tinakpan ng karton ang plaka ng motorsiklo ng lalaki para hindi siya makilala.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Nery na labis siyang kinabahan sa insidente.

Pero ang mahalaga raw ay ligtas siya.

Nagpasalamat din siya sa mga nagpadala ng mensahe ng suporta, pati na sa Military Police at Civil Police na agad tumugon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang suspek, pero patuloy siyang tinutugis ng mga awtoridad.

Naniniwala si Nery na matutunton din ito, pero sana raw ay hindi agad makalaya tulad ng ibang ganitong kaso.

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Read also

Alma Moreno, umaming umiyak sa hotel room dahil sa interview kay Karen Davila

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: