Nurse, absuwelto mula sa pagkakakulong matapos putulin ang paa ng isang pasyente ng walang paalam
- Isang nurse sa Wisconsin ang inaresto matapos putulin ang paa ng pasyente nang walang pahintulot
- Umapela siya ng no contest plea at hindi na kinailangang makulong, pero magbabayad ng mahigit P25,000 na court costs
- Tinanggalan siya ng lisensya bilang nurse at hindi na maaaring mag-practice sa Wisconsin
- Ayon sa ulat, balak niyang ipaskil ang naputol na paa sa taxidermy shop ng kanyang pamilya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Isang nurse sa Wisconsin ang umapela ng no contest plea matapos putulin ang paa ng kanyang pasyente nang walang pahintulot, dahilan para hindi na siya makulong.
Batay sa opisyal na dokumento na isiniwalat ng lokal na media outlet na Pierce County Journal, si Mary Brown ay hindi makukulong ngunit kailangang magbayad ng court costs na nagkakahalaga ng $443 o mahigit P25,000.
Nangyari ang insidente noong Mayo 2022 at ilang araw lang matapos putulin ang paa ay pumanaw ang 62-anyos na biktima.
Ibinasura ng korte ang mga kaso laban kay Brown kaugnay ng 'intentionally causing great bodily harm, mayhem, at physical abuse of an elderly person' matapos niyang umapela ng no contest plea.

Read also
60-anyos na lalaki, inaresto matapos hayaan ang bangkay ng ina sa bahay nila sa loob ng 10 taon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa Cornell Law School's Legal Information Institute, ang no contest plea ay "plea by a criminal defendant that they will not contest a charge."
Dagdag pa rito, “does not expressly admit guilt, but nonetheless waives the right to a trial and authorizes the court to treat the criminal defendant as if they were guilty for purposes of sentencing.”
Batay naman sa court documents na nakuha ng PEOPLE Magazine, hindi na papayagang mag-practice si Brown bilang registered nurse o licensed practical nurse sa Wisconsin.
Sa ulat ng NBC News, lumabas sa mga tala na pinutol ni Brown ang paa ng kanyang pasyente upang ipaskil ito sa taxidermy shop ng kanyang pamilya.
Plano raw niya itong ipakita kasama ang karatulang may nakasulat na "Wear your boots, kids."
Nagsimulang mag-imbestiga ang mga awtoridad matapos ang kamatayan ng lalaki noong Hunyo 2022.
Nang dalhin ang kanyang katawan sa isang assisted living facility para sa autopsy, napansin ng county medical examiner ang “unusual circumstances” dahil ang naputol na paa ay nasa tabi ng katawan ng pasyente.
Sa pagsusuri ng opisyal na record, napag-alamang may malalang frostbite ang lalaki at walang utos ang duktor na putulin ang kanyang paa.
Ayon sa imbestigasyon, ginamit umano ni Brown ang gunting upang putulin ang litid ng pasyente, inilagay sa isang bag ang paa, at isinilid sa freezer.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also
Naaagnas na bangkay ng lalaki, natagpuan sa loob ng bahay na balak sanang bilhin ng isang homebuyer
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh