Naaagnas na bangkay ng lalaki, natagpuan sa loob ng bahay na balak sanang bilhin ng isang homebuyer
- Isang tao ang nakakita ng bangkay habang tumitingin ng bahay na balak sanang bilhin
- Natagpuan ang katawan sa driveway ng bahay sa Statesville, North Carolina, USA
- Ayon sa awtoridad, ang lalaki ay patay na “for quite a while” bago pa man nadiskubre
- Kinilala ang lalaki bilang si Kevin Queen, 50 anyos, at hinihinalang namatay sa natural na dahilan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Habang tinitingnan ng isang potensyal na mamimili ang isang bahay na balak sana niyang bilhin, nadiskubre niya ang bangkay ng isang lalaking matagal nang patay.
Kinumpirma ng Iredell County Sheriff’s Office sa PEOPLE Magazine na natagpuan ang mga labi ng tao sa isang property sa Statesville, North Carolina, US.
Ayon sa ulat, agad silang nakatanggap ng 911 call matapos makita ng mamimili ang katawan ng lalaki sa driveway ng bahay.
Matapos ang masusing pagsusuri, kinumpirma ng mga otoridad na ito ay bangkay ng tao.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sinabi ni Major Troy Miller ng Iredell County Sheriff’s Office sa CBS affiliate WBTV na ang lalaki ay “had been deceased for quite a while” nang matagpuan.
Sa ulat ng PEOPLE Magazine, hindi agad nakilala ang bangkay dahil sa "state of decomposition."
Pagkalipas ng dalawang araw, nakilala ang lalaki bilang si Kevin Queen, 50 anyos.
Ayon sa mga awtoridad, pinaniniwalaang namatay siya sa natural na dahilan. Wala pang ibang detalyeng inilalabas tungkol sa insidente.
Karaniwan, nagsisimula ang pag-agnas ng bangkay sa loob ng 24 hanggang 72 oras matapos ang kamatayan.
Mas mabilis itong nangyayari kung mainit at mahalumigmig ang paligid, habang bumabagal naman sa malamig na kondisyon.
Kapag nasa loob ng bahay at walang preserbatibo, maaaring magsimulang mamaga at bumaho ang katawan sa ikatlong araw.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa istorya na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh