61-anyos na lalaki, namatay matapos higupin ng MRI machine
- Isang lalaki sa New York ang namatay matapos mahigop ng MRI machine habang ito ay nakaandar
- May suot na mabigat na weight-training chain si Keith McAllister sa leeg nang pumasok siya sa silid ng MRI
- Ayon sa kanyang asawa, “He went limp in my arms, and this is still pulsating in my brain"
- Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Isang lalaki sa New York ang namatay matapos siyang mahigop ng isang MRI machine, ayon sa mga awtoridad.
Sinabi ng Nassau County Police Department na si Keith McAllister, 61, ay may suot na malaking weight-training chain sa kanyang leeg nang pumasok siya sa isang MRI room habang isinasagawa ang scan noong July 16 sa Nassau Open MRI.
Hinila ng makina si McAllister dahil sa chain na nakapalibot sa kanyang leeg na naging sanhi ng kanyang mga pinsala. Noong Biyernes, inihayag ng pulisya na pumanaw na siya.
Ayon kay Adrienne Jones-McAllister, asawa ni McAllister, sinabi niya sa News 12 Long Island na nakita niyang “snatch him up” ng makina.

Read also
Angelica Panganiban, may nakakaaliw na reaksyon sa Japan pics ni Glaiza de Castro: "Di masakit?"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“He went limp in my arms, and this is still pulsating in my brain,” sabi niya.
Habang inaalala ang insidente, sinabi ni Jones-McAllister na humingi siya ng tulong sa technician para tawagin ang kanyang asawa matapos ang MRI scan niya sa kanyang tuhod.
Sinabi niyang dinala ng technician ang kanyang asawa sa silid kahit pa may suot itong 20-lb chain.
Nang lumapit si McAllister para tulungan siyang bumangon, agad siyang hinigop ng MRI machine.
Sinabi ni Jones-McAllister na gumawa sila ng technician ng paraan para hilahin si McAllister palayo sa makina.
“I was saying, ‘Could you turn off the machine? Call 911. Do something. Turn this d*mn thing off!’” sabi niya, at idinagdag na si McAllister ay “waved goodbye” bago tuluyang naging walang malay.
Sinabi ni Jones-McAllister na nagtamo ng mga atake sa puso ang kanyang asawa matapos ang insidente.
Idinagdag niya na hindi ito ang unang beses na nagsuot ng chain si McAllister sa Nassau Open MRI. “They (McAllister and the technician) had a conversation about it before,” sabi niya.
Sa kabilang banda, sinabi ng pulisya na si McAllister ay walang pahintulot na pumasok sa silid.
Sinabi rin ng Nassau police noong Biyernes na nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.
Ang Magnetic Resonance Imaging o MRI machine ay ginagamit upang matukoy ang mga sakit, mag-diagnose, at mag-monitor ng paggamot. Gumagamit ito ng malalakas na magnet upang makita ang loob ng katawan.
Nakakaapekto ang mga metal sa magnetic field ng MRI, maaaring magdulot ng paso o maging mapanganib na projectiles.
Wala pang inilalabas na pahayag ang Nassau Open MRI tungkol sa insidente sa oras ng pagsulat.
Basahin ang ulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa balitang ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh