Fitness influencer, namatay matapos sumali sa 'binge-eating- challenge

Fitness influencer, namatay matapos sumali sa 'binge-eating- challenge

  • Isang fitness influencer mula Russia ang namatay matapos sumabak sa binge-eating challenge
  • Layunin niyang magpataba ng 25 kg para ipakita kung paano ito mabilis na babawasan sa kaniyang weight-loss program
  • Biglang nagkasakit at hindi na umabot sa planong pagpunta sa doktor
  • Huling post niya ay tungkol sa pag-abot niya sa 105 kg at pangakong papayat kasama ang kaniyang followers
Dmitry Nuyanzin/@dmitryfit
Dmitry Nuyanzin/@dmitryfit
Source: Instagram

Namatay ang 30-anyos na fitness influencer na si Dmitry Nuyanzin matapos niyang gawin ang isang binge-eating challenge para i-promote ang weight-loss program niya.

Ilang linggo siyang kumain ng 10,000 calories bawat araw para umabot sa dagdag na 25 kilo, na plano niyang bawasan upang hikayatin ang kaniyang followers na pumayat.

Nagkaroon siya ng hindi magandang pakiramdam kaya kinansela niya ang kaniyang training sessions para magpatingin sa doktor, pero namatay siya sa pagtulog dahil sa heart failure bago ang checkup.

Noong Nobyembre 18, ibinahagi niyang umabot na siya sa 105 kilo at nakadagdag ng 13 kilo sa loob ng isang buwan.

Read also

AC Bonifacio, nagbigay ng update matapos ang nangyari sa kanya sa Thailand

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa challenge niya, nangako siyang magbibigay ng pera sa sinumang may timbang na lampas 100 kilo at makakabawas ng 10% ng kanilang timbang bago mag-Bagong Taon.

Sinulat din niya sa Instagram na magsisimula na ang kaniyang weight-loss course kung saan maaaring manalo ng papremyo at matutong kumain nang tama habang nag-e-enjoy.

Ikinuwento rin niya ang kaniyang diet na puno ng matatamis at mamantikang pagkain.

Kumakain siya ng pastries at kalahating cake tuwing almusal, halos isang kilong dumplings na may mayonnaise tuwing tanghalian, crisps bilang meryenda, at burger kasama ng dalawang maliit na pizza tuwing hapunan.

Base sa ulat, nag-aral si Nuyanzin sa Orenburg Olympic Reserve School at National Fitness University sa St. Petersburg.

Naging personal coach siya ng mga elite Russians sa loob ng sampung taon.

Mahilig siyang mag-post ng fitness content sa Instagram kung saan umabot siya sa higit 40,000 followers.

Naiwan niya ang kaniyang asawa.

Read also

Toni Fowler, nagsalita matapos makipag-ugnayan sa CICC tungkol sa isyu sa online platforms

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

In a previous report by KAMI, a family of three was mercilessly shot and killed inside their store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Caught by CCTV, three men entered their store, closed the roll-up door, and shot the entire family to death. Before fleeing, one of the suspects even grabbed a bag and a mobile phone from the victim. In a report by Gary De Leon of TV 5's 'Frontline Pilipinas,' the family started getting threats after lending P1-M to one of the residents of their barangay; allegedly using the money for business.

In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: