100 pirasong magnet, na-recover sa loob ng bituka ng isang binatilyo

100 pirasong magnet, na-recover sa loob ng bituka ng isang binatilyo

  • Isang 13-anyos na batang lalaki sa New Zealand ang lumunok ng halos 100 high-power magnets na binili umano sa Temu
  • Inoperahan siya matapos masira ang ilang bahagi ng kanyang bituka dahil sa mga magnet
  • Ang ganitong uri ng magnet ay ipinagbawal na sa New Zealand mula pa noong 2013
  • Sinimulan na ng Temu ang imbestigasyon at naglabas ng pahayag na nagsisiyasat sila sa insidente
cottonbro studio on Pexels
cottonbro studio on Pexels
Source: Original

Isang 13-anyos na batang lalaki sa New Zealand ang lumunok ng halos 100 maliliit ngunit napakalakas na magnet na nabili umano niya sa Temu.

Dahil dito, nagkaroon siya ng matinding pananakit ng tiyan sa loob ng apat na araw bago dalhin sa Tauranga Hospital sa North Island.

Ayon sa ulat ng mga doktor sa New Zealand Medical Journal, inamin ng bata na nilunok niya ang tinatayang 80 hanggang 100 neodymium magnets isang linggo bago siya maospital.

Lumabas sa X-ray na nagdikit-dikit ang mga magnet sa loob ng kanyang bituka at bumuo ng apat na tuwid na linya.

Read also

Babae, patay natagpuan sa loob ng simbahan sa Cebu; pari, pansamantalang ipinasara ang simbahan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa lakas ng puwersa ng magnet, nagkaroon ng necrosis o pagkamatay ng tissue sa apat na bahagi ng kanyang bituka at cecum.

Inoperahan siya upang tanggalin ang mga nasirang bahagi at makuha ang mga magnet. Pagkatapos ng walong araw sa ospital, nakauwi na ang bata.

Ayon sa mga doktor, delikado ang paglunok ng magnet dahil maaari itong magdulot ng pagbara sa bituka, hernia, o tuloy-tuloy na pananakit ng tiyan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Temu na nagsimula na sila ng internal review upang alamin ang detalye ng kaso.

Nilinaw din nilang sinusuri nila ang mga listahan ng produkto sa kanilang platform upang masiguro na sumusunod ito sa mga patakaran ng kaligtasan sa New Zealand.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Philippine Coast Guard, nagligtas ng apat na mangingisdang napadpad sa dagat ng Bataan

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: